Chapter 15

6.5K 164 5
                                    

Eula's POV

Mamaya na ang party ni Wyeth at kasama ko ngayon ang mga kapatid niyang babae habang inaayusan kami.

Hindi mawala-wala sa isip ko yung pananampal ni Oppa dun sa Yna. I don't know why but it felt so wrong.

Hindi naman kasi siya ang sinampal pero bakit siya ang gumanti para sa akin. Malakas din ang trip ni oppa minsan but that's not the issue. Ang issue dito ay nanakit siya ng babae. BABAE.

Ang babae kasi hindi naman dapat sinasaktan. Dapat minamahal kami! Where's the justice on what he did?!

"Eula? May problema ba? Kanina pa nakakunot yang noo mo habang inaayusan ka." Ate Amber

Mabilis akong umiling. "Ha? Po? Wala naman po." Hindi niya ako nilubayan ng tingin kaya alam kong hindi siya kumbinsido sa sagot ko. "Hay. Ate Amber kasi ... Nananakit ba talaga ng babae si oppa?"

Mabuti ng habang maaga pa alam ko na para hindi ko na siya masyadong aasarin. Baka ako na ang masapak niya kapag nagkataon.

"Si Wyeth? No. Medyo nagmana siya kay daddy. Tahimik lang siya at napakakalmado. Why did you asked? Sinaktan ka ba niya?" Ate Amber

"No! Hindi po. Ano kasi ... Yung Yna. Hindi ko naman kilala yun pero sinampal kasi ni oppa sa harap ko yun. Aaminin ko, medyo natakot ako kay oppa dahil doon." Kaya nga kahapon, iniiwasan kong makasama siya ng sarilinan.

She smiled. "Alam kong hinding-hindi ka magagawang saktan ni Wyeth, Eula. You're special to him. Well, for the case of Yna, the bitch deserved it."

Napangiwi ako sa tabas ng dila ni Ate Amber. "Bakit naman ate?"

"Well Eula, may kanya-kanya lang tayong issues for different persons and I would like to keep our issues to ourselves. But I want you to be careful. She doesn't play fair." Babala ni Ate Amber na ikinabahala ko.

Ano bang meron sa Yna na yun para pagsabihan ako ni Ate Amber ng ganito? Naguguluhan na ako sa kanila.

"Anyway, just forget Yna. That girl doesn't deserve our attention." Litanya ni Ate Amber saka nagbuklat ng magazine.

Pilit ko na lang ding kinalimutan si Yna. Siguro si oppa na lang ang tatanungin ko patungkol sa kanya. Baka sakaling sagutin niya ang tanong ko.

"Girls."

Napalingon kaming lahat sa pinto kung saan may isang magandang babae ang pumasok. She's wearing a black dress that's showing her fine curves. Halatang may edad na yung babae but despite the age, I must admit, she's really beautiful. An epitome of a goddess.

"Mommy." Sabay na banggit ni Ate Amber at Ate Avery.

Napanganga ako. Mommy nila siya? No wonder maganda at gwapo ang lahi nila. Her mom is gorgeous and sexy as well. She's one hot momma!

"Girls, dumadating na ang mga bisita. Bilisan niyo na diyan at sasalubungin natin silang lahat." Anunsyo ng mommy nila then she turned to me. "Are you the girlfriend of my son?"

Pakiramdam ko mabibilaukan ako sa sarili kong laway. Fudge! "No mam. Pinakiusapan lang po ako ng anak niyo to be his date for tonight."

Napansin kong napataas ang kilay ng mommy niya. "I never knew na torpe ang anak ko. Oh well, I guess hindi siya nagmana sa daddy niyang malandi." Napasinghap ako sa sinabi ni Mrs. Santillan. Tinawag niya talagang malandi ang asawa niya?

"Looking for me my?" Mula sa likod ni Mrs. Santillan, bigla siyang niyakap ng isang gwapong lalake na sa palagay ko ay si Mr. Santillan.

How can a family be as gorgeous as this? Is this what they call genes?!

First Love, Last LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon