Chapter 31

7.2K 143 4
                                    

Eula's POV

At dahil sa hiling sa ng dalawang makulit kong kasama, bumalik kaming anim dito sa Sangam-Dong. Hindi ko alam ang plano ng mga kasama ko pero wala naman akong plano na kumontra sa kung anong gusto nilang gawin. Hahayaan ko silang mag-enjoy ng mag-enjoy habang magkakasama kaming lahat dito. Ito rin kasi ang kauna-unahang pagkakataon na magkakasama kaming naglilibot sa ibang bansa.

"Ano bang plano niyo? Tatambay lang din tayo dito sa hotel, sana nagstay na lang tayo sa Chuncheon. Nagpakapagod pa tayo sa biyahe papunta dito sa Seoul." Cedric

"Makapagreklamo naman Cedric akala mo ikaw ang nagdrive. May driver naman tayo. Natulog ka nga lang buong biyahe." Arniel

"Ano ba talagang plano niyo? We should have enjoyed Chuncheon first bago tayo bumalik dito. We should have went to Nami Island bago tayo bumalik dito sa Seoul." Suhuwestiyon ko sa kanila.

Mas maganda nga naman kasi kung inenjoy muna namin yung lugar bago kami bumalik. Ilang oras pa lang kaming nandoon pero bumalik na kami agad dito sa Seoul.

Dream ko pa namang mapuntahan yung Nami Island. Ilang beses ko na kasing nakikita sa mga koreanovela yung lugar na yun at hindi ko ikakailang nabighani at namangha ako sa lugar na yun.

"Heh! Nandito na tayo tsaka ka pa nagsalita." Sagot ni Levi. "Maghihiwalay tayo ng lakad. Yung boys bahala kayo kung saang lupalop ng impyerno este ng Seoul niyo gustong magpunta. Basta ba hindi kayo mambababae eh!"

"Yeap! At kaming mga girls naman, pupunta lang kami sa Sangam-dong. Gusto kong pumunta ng MBC para makita yung jjongah couple rooftop house na nakatayo sa 10th floor rooftop ng building na yun." Arniel

Napakunot ang noo naming lahat. "Anong jjongah couple ka diyan? Sino naman yun?" Tanong ko sa kanya.

"Yun yung couple na mahaaaal na mahaaal ko at sinusuportahan ko sa we got married. Isang variety show dito sa Korea. Too bad bigla na lang pinutol yung segment nila. Ang sama-sama talaga ng loob ko noong pinutol nila yung segment nila." Paglilitanya ni Arniel sabay simangot.

Tumango-tango naman si Elvis. "I agree na sumama talaga ang loob niya. Imagine, isang buong linggong hindi lumabas ng condo niya yan at puro pagdadrama ang ginawa sa loob ng condo niya. Pati SNS accounts niya puro kadramahan niya patungkol sa jjongah couple na yan."

Ganun niya kamahal yung couple na yun? Seryoso?

Hindi ko masiguro kung totoo yung sinabi ni Cedric kasi nagdeactivate ako ng mga accounts ko bago ako magpunta ng Paris. Ginawa ko yun para hindi ako magkaroon ng balita sa kanila at maiwasan ko na rin ang ma-homesick. Malakas daw kasing maka-homesick yung marami kang nababalitaan sa home country mo.

"Totoo yung sinabi ni Elvis. Lalo ko nga silang namimiss kasi kamukha ni Wyeth at ni Eula sina Jong at Yura!" Ngasim ang mukha nito saka ngumawa ng malakas. "WAAAH! Samahan niyo ko at bobombahin ko yung MBC Center! Kukunin ko sa Jjongah House yung marriage certificate nila!"

Nakakatakot pa lang magfan girl tong si Arniel. Balak pang pasabugin yung MBC Center na yun.

"Hoy finally! Tigilan mo nga yan." Sita sa kanya ni Levi.

Nagtaka na naman ako. Bakit "finally" ang tawag ni Levi kay Arniel?"

"Hoy gaga! Bakit finally ang tawag mo diyan kay babae?"

Napangiti si Levi saka nilingon si Elvis. "Oy! Bakit daw 'finally' ang tawag natin kay Arniel."

"Subukan mo Elvis, di ba hihiwalayan kita kahit pa engaged na tayo." Banta ni Arniel kay Elvis.

Tumikhim muna si Elvis bago nagsalita este kumanta pala. "Finally, Arniel happened to me, machine gun ang bunganga, at hindi na siya virgin!"

"HAHAHAHAHA!" Hindi namin mapigilang hindi matawa dahil sinabayan yun ni Elvis ng pagsayaw.

First Love, Last LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon