Chapter 16
"Hoy, Irene! Nasa'n ka na ba?!" sigaw ni Karel sa'kin sa phone.
Tinapos ko na yung pag-curl sa buhok ko bago maglagay ng light make-up sa mukha bago maglipstick. Natulog pa kasi ako kanina kaya six na ako nagising ng gabi. Nagmamadali tuloy ako dito sa pagaayos.
"Wait lang, susunduin naman ako ni Zach." sabi ko habang naglalagay ng blush on.
"Basta, bilisan mo. Nandito na kame nila Mya." sabi niya, umingay ng konti dahil siguro sa background music.
Tinignan ko yung orasan dahil nandoon na raw sila. Ang aga naman nila. Excited siguro talaga sila sa birthday ni Suzein. Ang raming bisita no'n ngayon, panigurado. Katulad nung last year. Excited dahil prepared talaga sila ngayon.
"Ang aga niyong lumandi." natatawa kong sabi.
"Wow, parang hindi lumandi kay Zach ah!" tumawa ako, pinabilisan niya na ako bago inend yung call, kaya binilisan ko na yung pag-aayos.
Sinuot ko na yung gown na binili ni Suzein samin. Napatingin ako sa boobs ko na medyo lantad pero mas lantad parin yung gown nila Karel at Mya. Inayos ko na yung earrings ko. Naglagay ako ng perfume bago nagring yung phone ko kaya sinagot ko 'yon habang tinitignan yung sarili ko sa salamin.
[Are you done? I'm already here.] sabi ni Zach.
Lumapit ako sa bintana at binuksan iyon para tignan siya sa baba. Nakaparada na yung kotse niya sa tapat ng bahay namin. Nagpaalam naman na ako kay Mama kaya pinayagan niya ako. Kilala niya si Suzein eh kaya agad akong pinayagan.
"Pababa na ako," sabi ko.
Pinatay ko na yung tawag at bumaba na. Nagpaalam muna ako na aalis na ako kay mama. Aalis rin kasi siya ngayon kaya hindi siya makapunta sa birthday ni Suzein. Lumabas na ako ng gate namin at lumapit sa kotse ni Zach. Binuksan ko yung pintunan bago pumasok na sa loob.
"You looked good." puri niya kaya ngumiti ako.
He's wearing a three piece suit. His hair is fixed perfectly kaya lalo siyang gumwapo. Sumimangot ako dahil baka maraming babae yung pupunta sakaniya mamaya! Palagi naman siyang nakabuntot sa'kin kaya hindi ko 'yon hahayaan na mangyare.
"Hey, what are you doing?" tanong niya, ginulo ko kasi ng konti yung buhok niya pero inayos niya agad.
"Wag mong guluhin," asik ko sakaniya.
Tumawa siya. "And now... you want my hair to be messy. I thought you want this perfectly fixed everyday, huh?"
Sumimangot ako. "Ewan ko sa'yo. Bilisan na natin. Nando'n na sila Karel." sabi ko at tinignan yung loob ng pouch ko dahil baka may nakalimutan pa ako pero wala naman na.
"Don't worry. I will only looked at you."
Kinagat ko yung labi ko para pigilan yung ngiti. Narinig ko siyang tumawa ng mahina kaya tumingin na lang ako labas ng bintana. Pero yung puso ko parang tatalon na! Naalala ko yung sinabi niya sa'kin na mahal niya na daw ako? Totoo kaya 'yon or hinde?!
Nararamdaman ko na ngayon yung feeling niya kapag may banat ako sakaniya. Tapos ngayon siya naman bumabanat sa'kin. Shempre, natuto siya dahil sa'kin kasi ako naman pasimuno nito! Nakakainis ka talaga, Zach!
BINABASA MO ANG
𝗟𝗼𝘃𝗶𝗻𝗴 𝘆𝗼𝘂𝗿 𝗗𝗲𝗰𝗲𝗽𝘁𝗶𝗼𝗻 (ALLURING SERIES #1)
Любовные романыALLURING SERIES #1 [COMPLETED] WARNING: R-18+ | MATURE CONTENT. Read at your own risk. ╰┈➤Zach, really wants to forget his first girlfriend and his first love aswell. Until, he met Irene who become one of the student in their class. Can irene make t...