Chapter 21

1.6K 41 3
                                    

Chapter 21



"Your works are good."




I looked at my side when a woman approached me and gave my work positive critique. I painted a beautiful scenery. Katulad lang dati, mahilig parin ako sa pagpapaint. Hindi ako tumigil sa pagpapaint sa kabila ng mga nangyare.






I smiled at her. "Thank you so much." sabi ko.







Nandito ako sa cafe namin sa Hawaii. I took a sipped in my coffee before I continue what I'm doing right now. Umalis narin yung babae. Regular customer namin sila dito sa cafe at palagi rin siguro nila akong nakikita dito na nakatambay malapit sa window.







I looked at the calm road. Matataas ang mga building. Marami ring sasakyan ang dumadaan. Yung mga ibang tao ay nakacoat dahil malamig at may snow sa labas. Pero paminsan naman ay mainit rin dito. Hindi parin talaga ako sanay sa lamig dito kaya nagsusuot rin ako ng coat.







Ngumiti ako kay Mama na abala sa mga customer. It's sunday and it's my restday. Abala ako lalo na sa monday to saturday. Paminsan ay binabantayan ko din yung cafe namin. Para makatulong narin sakanila.






Tinignan ko yung pinipaint ko. It's funny, when I was still in the philippines. I said to myself that I will not paint anymore because of the trauma that I got. But, now... I'm here. Still doing my passion. And, still trying to forget the past.







Tama parin talaga ang sinasabi ng iba na sa pamilya ka parin tatakbo sa lahat ng problema mo, kahit na talikuran mo sila. Sa bandang huli pipiliin mo parin sila... and I think I choose the right decision now. I'm more than happy now.






Tinapos ko na yung ginagawa ko at niligpit na yung mga gamit ko para makapagpaalam na ako kay Mama. I kissed her cheeks before going outside. Binuksan ko na yung pintuan ng kotse ko bago pumasok sa loob. Sa tinagal ko dito ay marunong narin akong magmaneho lalo na't mahirap paminsan ditong sumakay.






Nandito yung iba kong mga pinsan at sila yung nagturo sa'kin dahil matagal ko ng gustong magkaroon ng kotse back when I was still in the philippines pero hindi ko nagawa. Atleast, I already have one right now, right? Masaya rin ako na nakabili na ako ng kotse.







"Nasaan na yung Mama mo?" tanong ni Papa.






"Nasa cafe pa." sabi ko, tumango si Papa at binalik yung tingin sa tv kaya umakyat na ako sa taas ng kwarto ko.






Hindi naman masyadong malaki yung bahay namin. Yung lupa lang siguro but we need to budget our money kaya hindi na namin pinalaki pa. Ayaw rin naman nilang dalawa and I agree too. Kame lang din naman yung nakatira dito.







"Pero, alam mo na. Nakakamiss parin sa pilipinas." Nakabusangot na sabi ni Jessica.







Tumango yung ibang kasama ko maliban sa akin kaya bumaling silang lahat sa'kin. Umiling na lang ako at kumain. Hindi ko masabi na ayaw ko ng bumalik doon meron parin sa'kin na gustong bumisita ulit doon dahil mas marami akong kaibigan doon pero hindi pa ngayon.







"Kapag may sapat na pera talaga ako babalik ako do'n." sabi ni Celine.






Marami ring akong nakilalang mga pilipino dito. Nagtatrabaho at nagpapaint rin katulad ko at kagaya nung dalawang 'to. Matagal na kameng magkakilala. Marami parin talagang pilipino ang nandito akala ko nga dati wala pero ang rami pala nila.







𝗟𝗼𝘃𝗶𝗻𝗴 𝘆𝗼𝘂𝗿 𝗗𝗲𝗰𝗲𝗽𝘁𝗶𝗼𝗻 (ALLURING SERIES #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon