Chapter 6

1.8K 61 1
                                    

Chapter 6



"Kailan mo ba ako aayain na mag-date, hah?" tanong ko sakaniya habang umiinom ng shake.






Katatapos lang ng class namin tapos nandito kame sa mall. Nakaupo kame malapit sa playground ng mga bata, kaya nakikita namin silang tumatalon at nagtatawanan sa loob. Nakakamiss maging bata ulit. Yung ang saya lang walang pinoproblema pa.






Malapit lang sa'min yung mga nagbebenta ng mga siomai, fishball at kung ano-ano pang pagkain. May shakes pa sa gilid. Marami ring tao dito. Gusto ko ngang imukbang lahat ng pagkain dito pero nahihiya ako kay Zach. Baka isipin niya na sobrang takaw ko talaga at baka tumaba rin ako. Hindi pa naman ako nagwoworkout.






"That's too fast," sumimangot ako at inalok siya ng shake pero umiling lang siya.







"Kwentuhan mo 'ko about sa relationship niyo ni jasmine." sabi ko at umayos ng upo paharap sakaniya, kumunot naman yung noo niya habang bumabaling sa'kin.






Ayaw kong masaktan ah pero well masasaktan parin siguro ako ng konti. Gusto ko lang malaman kung sa'n sila pumupunta. Anong ginagawa nila kapag date nila dahil gusto kong malamangan 'yon. Imagine 2 years sila! Ang saya siguro kapag in relationship ka sa tamang tao.






"Sigi na, pagbigyan mo na 'ko." sabi ko at inalog yung kamay at balikat niya.






Frustrate siyang tumingin sa'kin. Luh, gusto ko lang pagusapan eh. Ngumiti ako sakaniya at nilakihan ng mata para senyasan siyang magkwento na. Willing naman akong makinig eh.






"Why are we going to talked about her?" tanong niya agad.






"Wala lang! Curious lang ako sa relationship niyo before." sabi ko at uminom ulit ng shake.







Mauubos ko na siguro yung shake na iniinom 'ko pero hindi parin siya nagkwekwento. Hindi naman ako masasaktan kung sinabi niya na mahal niya parin yung ex niya, maiinis lang siguro ako. Naiinis ako dahil 'di parin niya ako kinacrushback!







"We meet in a family dinner. Some of my mother's friends came in that party and one of our guest that night was Jasmine's family, her mother is a very close friend of my mom..." nagangat ako ng tingin sakaniya ng tumingin rin siya sa'kin, pinagmamasdan yung reaction ko.






"My mom introduced me to her and then... we talked about some things." nakatingin lang ako sakaniya habang nasa harapan lang siya nakatingin "And, I'm lying if I said I don't like her the moment I met her..."




Umiwas ako at uminom ng shake ulit habang nakatingin sa harapan.




He sighed. "Month of getting to know each other, I court her..."






Tumingin na lang ako sa mga batang naglalaro dahil mukhang nadadala na siya sa mga sinasabi niya, mahal niya kasi eh. Kailan pa kaya sila nagbreak? Ano kaya yung rason? Sino sa kanilang dalawa yung nakipagbreak? Imposible naman kung si Zach dahil para mahal niya pa si Ate girl.







"Do you still love her?" bigla kong tanong, he immediately looked at me at umiwas ng tingin.




"Why?" Naningkit yung matang tanong niya sa'kin.




"Wala lang! Gusto ko lang malaman." sabi ko at palihim siyang inirapan. Ba't hindi niya masagot yung tanong ko?





"Well," Hindi niya matuloy yung gustong sabihin. Iniisip siguro kung masasaktan ba ako kapag sinabi niyang Oo.





𝗟𝗼𝘃𝗶𝗻𝗴 𝘆𝗼𝘂𝗿 𝗗𝗲𝗰𝗲𝗽𝘁𝗶𝗼𝗻 (ALLURING SERIES #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon