Chapter 13

1.6K 49 3
                                    

Chapter 13



"Hindi ba 'yon magagalit dahil iniwan lang natin siya?" tanong ko kay Zach na abala sa pagbili ng tubig sa'kin.





Dumiretso kami dito pagkatapos niyang sabihin 'yon kay Jasmine. I feel bad about her. I mean, mabait naman siya siguro hindi ko lang ineexpect na gano'n na sakaniya ngayon si Zach. Dapat nga ay maging masaya ako dahil mukhang wala na talagang gusto si Zach sakaniya pero ngayon hinde.





Naiinis rin ako. Ano? She'll let me taste her saliva? Okay lang sana kung sila Karel dahil nagshashare na kame ng straw kapag umiinom kame ng coke nung elementary pa kame. Pero, kung kay Jasmine ay hindi ako papayag 'no! Baka may nakalandi pa siya tapos yuck!





"Let her deal with it." matabang niyang sabi at binigay sa'kin yung tubig.






"Ang sama mo." sabi ko, umiling lang siya. "Pero, okay parin naman yung ginawa mo. Like, ew... she already drink the water then ibibigay niya sa'kin yung tira kaya I understand you."






He nodded and smile bago kame bumalik ulit sa court dahil may practice pa kame. Mamayang 12 pm pa yung class namin. Excempted narin ako sa ibang subjects dahil pinaalam na ng prof ko sa ibang co-teachers niya. May mga students rin na nanonood dito. Yung iba ay nagbandminton sa gilid.







"Wala pa akong naiisip na sports." sabi ko kay Zach.








Kasali sa pageant kung ano yung sports na napili mo. Kaya susuot ka ng tamang damit para sa sports na napili mo. Points rin kase 'yon. Siguro magtatanong ako mamaya kay Beatrice. Wala pa akong any idea kasi marami akong alam na laro. Kaya mahirap pumili.






"Mhmm.. volleyball?"






"1 time lang ako naglaro no'n tapos nagkapasa ako dahil tumama sa'kin yung bola kaya pass." sabi ko, natawa naman siya kaya kinurot ko siya sa tagiliran niya.






Umupo muna si Zach sa bench at pinanood yung practice namin. Nahagip ko yung mata ni Jasmine sa'kin pero umiwas din siya at nagfocus sa ginagawa niya. Nagbikit balikat na lang ako at tumingin kay Zach, he smiled at me.






"Kinakabahan ako para bukas," amin ko sakaniya ng matapos yung last practice namin.







Nandito kame sa taas ng bleachers habang pinapanood yung ilang students na inaayos yung stage na gagamitin namin para bukas. Hindi ko alam kung anong mafe-feel ko.  Parang hindi ko nga mafeel yung katawan ko dahil kinakabahan ako.







"You can do it." pagche-cheer up niya sa'kin, umismid ako.







"Paano kung hindi ako manalo? Alam mo na nakaasa sa'kin yung section natin! Baka ayawan nila ako kapag hindi ko 'to napanalo." naiiyak kong sabi, tumawa siya habang pinapanood ako.







"Hey, stop thinking about that. You're just making yourself down, don't lose hope. We're here for you." nakangiti niyang sabi.








Medyo gumaan naman yung pakiramdam ko dahil sa sinabi niya. Pero kapag naaalala ko na bukas na 'yon gaganapin parang gusto kong umatras pero hindi pwede. Katatapos rin kanina nung huling practice namin tapos pagod na pagod ako ng ilang araw tapos aatras lang ako?! Saan hustisya do'n? Kaya masasayang lang yung effort ko kapag hindi ko 'to itutuloy.






"Pa'no kung hindi ako manalo?" tanong ko, pinaglaruan ko yung mga daliri ko habang tinitignan yung stage sa baba.





"We're still so proud of you."






𝗟𝗼𝘃𝗶𝗻𝗴 𝘆𝗼𝘂𝗿 𝗗𝗲𝗰𝗲𝗽𝘁𝗶𝗼𝗻 (ALLURING SERIES #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon