Chapter 33

1.8K 40 11
                                    

Chapter 33



"What did you do?!" I said and pushed his chest a little.




He smirked at me. He cornered me in the door again. Kaya wala akong kawala sakaniya. I covered my mouth with the back of my hand. Nang marealize ko na wala akong ginawa at pinabayaan ko lang siya gawin yung gusto niya! At ang masaklap, hinalikan ko siya pabalik!





"You kissed me back," he said with a ghost of smile.




Napatakip na ako sa bibig ko at tinulak siya. Tumatawa siyang lumayo sa'kin. He's now full of himself. Tinignan ko yung phone ko na hindi na tumutunog. Baka may importanteng sasabihin si Karel pero hindi ko nasagot! I looked at him who is now sitting in my swivel chair, still a smile is plastered on his face. Nakakainis!




"I didn't. You forced me!" sabi ko. Hindi ko masyadong nilakasan yung boses ko dahil baka marinig sa labas.




His brows furrowed like I just said something wrong. "If I'd really forced you. You will going to push me immediately. But... it didn't come." sabi niya at nagbikit-balikat.



Inalala ko yung nangyare kanina lang. Napapikit ako dahil tama nga siya! Kung sana hindi ko ginusto 'yon, itutulak ko siya agad! Gusto kong sampalin yung mukha ko dahil naghari na naman yung karupukan ko. Tama nga yung mga kaibigan ko.




"Fine." sabi ko at tumayo sa harapan niya. "Basta... 'wag mong sabihin sa iba! Break na tayo sa paningin nila at... hindi mo ako mahal kaya hindi dapat 'yon."




He raised his brows to me. "Really? How are you so sure?" sabi niya pabalik sa'kin.




Wala lang talaga akong maisip na dahilan. At, wala naman din siyang sinabi na mahal niya ako, 'di ba? Yung sinabi niya nung nando'n pa kame sa penthouse niya ay hindi ko alam kung totoo ba 'yon or parte parin iyon ng mga kasinungalingan niya?



"Yung ginawa natin.. mali 'yon." pilit ko sakaniya.



He pushed his hair back and licked his lowerlip, napako naman yung tingin ko doon bago mapalunok. Hindi ko alam kung galit ba siya sa'kin or hinde. Wala namang masama sa sinabi ko, 'di ba? Meron ba? Sinasabi ko lang yung totoo na mali 'yon dahil hindi pa kame nagkabalikan.




"Why? What's so wrong about it? I thought I already earned your trust." aniya at sinandal yung likod sa upuan at tumingin sa kawalan.





Nanghihina ko siyang tinignan. Gusto ko tuloy akuin lahat ng sinabi ko. Bumuntong-hininga ako dahil mukhang siya na naman yung nanalo. Nanalo na naman yung marupok kong puso keysa sa utak ko.





"Hindi pa kasi tayo nagkabalikan kaya gano'n..." sabi ko at napakamot sa batok ko.





He looked at me with tired eyes. Tumayo siya at hinawakan yung bewang ko. Uminit yung pisnge ko dahil sa ginawa niya. He carried me and made me sit in my office table kaya napatili ako. He put himself in between my thighs kaya napasinghap ako.




"What are you doing? Baka makita tayo." asik ko sakaniya at sinubukang umalis.




"Let's talk." he seriously said.

"Baka nga makita tayo!" I said and pushed him a little.

"Let's talk first." he said not minding what I said earlier.

Kinabahan ako agad sa let's talk niya. Tumingin ako sa office table na kinauupuan ko. Naalala ko bigla yung nangyari sa'min sa condo niya. He also made me sit on his study table, iba nga lang ngayon dahil sa office table ko na. Nag-init yung pisngi ko ng maalala na ako yung nagfirst move, nakakahiya pala 'yon!



𝗟𝗼𝘃𝗶𝗻𝗴 𝘆𝗼𝘂𝗿 𝗗𝗲𝗰𝗲𝗽𝘁𝗶𝗼𝗻 (ALLURING SERIES #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon