Chapter 17

1.7K 42 4
                                    

Chapter 17



"Baka hindi na talaga babalik si Zach?" rinig kong sabi ni Karel kaya tinapon ko sakaniya yung unan na nakita ko.



Palagi na lang nilang sinasabi na baka hindi na 'raw babalik si Zach o iniwan na ako dahil sa tagal niyang dumating dito sa pilipinas. Pero naniniwala parin ako kay Zach dahil sinabi niya na babalik siya sa'kin, kailangan ko lang maghintay.




Nandito silang apat sa kwarto ko.  Wala si Airam dahil may ginagawa at hindi rin siya papayagan ng tita niya. Busy sila sa paggawa ng mga projects at assignments. Nagtataka nga ako eh kung bakit sila nandito.





"Bakit nga ba kayo nandito ah?" tanong ko.




"Wag kang madamot, Irene. Makiki-wifi lang kame dito." bara ni Mya kaya umirap na lang ako.





Hinayaan ko na lang silang gamitin yung wifi namin dito sa bahay. Wala na naman din akong magagawa. Inabot ko yung phone ko na nasa side table at binuksan iyon kung may chat na ba si Zach sa'kin or wala, kagabi pa kasi siya hindi nagcha-chat sa'kin.





Mahigit isang buwan na ang nagdaan simula nung umalis siya. Nagtatampo na nga ako eh dahil ang tagal niyang dumating. Pero sinabi niya na may problema lang daw sa negosyo nila at pinapagamot yung mommy niya kaya hinayaan ko na lang.





But... the truth is I miss him already. Hindi ko kaya tapos nagaminan pa kame na mahal namin yung isa't-isa tapos hindi kame magkikita ng ilang araw?! Baka buwan siyang mamalagi do'n or taon! I don't know?! Tapos hindi pa niya ako tinetext kaya nakakainis!





"Pa'no pala kung may nahanap na siya do'n?" tanong ko kila Suzein.




"Duh, he already said I love you to you! If you're a good girlfriend you need to wait." sabi ni Suzein, dumapa na lang ako sa kama at tinignan yung ginagawa nila.




Two weeks from now magsisimula na yung painting contest na sasalihan ko tapos wala siya! Sinabi ko na sakaniya na kailangan niyang pumunta eh. Pero sabi nga nila family first kaya kailangan niyang unahin yung pamilya niya, lalo na yung mommy niya dahil may sakit.





"Hintayin mo lang siya, babalik din 'yon." tumango na lang ako sa sinabi ni Beatrice.





Sunday ay nagshopping muna ako.  Kasama ko si Suzein dahil bibili din siya ng bag. Halos lumuwa yung mata ko dahil sa mga presyo ng bag. Tumingin ako kay Suzein na nagnining-ning na yung mata dahil sa chanel na bag.




"Ginagamit mo ba yung mga binibili mo, or display lang yan sa bahay?" tanong ko sakaniya.




"Bag is life, Irene." sabi niya at kinuha na yung isang bag.





"Akala ko ba food is life?" tanong ko habang nasa cashier kame. She also encouraged me to buy but I refuse, ano naman yung gagawin ko do'n?





"Well, both of them are my top priorities. So, I can't decide." sabi niya kaya umiling-iling na lang ako.




Kinarga na niya yung designer bags na binili niya at nagsuot pa ng shades. Katulad talaga sila ng mommy niya. Bumili muna ako ng starbucks dahil nauuhaw ako, gano'n rin siya.





Pagdating ko sa bahay ay minention ako ni Suzein sa insta story niya. It was a picture when we were in the mall. Nakasabit yung mga designer bags niya sa kamay niya at nakataas pa yung isang paa tapos ako umiinom lang ng starbucks sa gilid, nakakainis!



𝗟𝗼𝘃𝗶𝗻𝗴 𝘆𝗼𝘂𝗿 𝗗𝗲𝗰𝗲𝗽𝘁𝗶𝗼𝗻 (ALLURING SERIES #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon