Chapter 9
"Masarap ba?" tanong ko at nagpahalumbabang nakatingin sakaniya.
Nilatag ko na sa dining table yung pagkain na niluto ko. Nakaupo na kame habang hinhintay ko siya na tikman yung niluto ko para sa'min. Tapos narin yung kanin. Marunong naman siyang magsaing. Feeling ko bagay na bagay ako para sakaniya. Hindi siya magugutom sa'kin!
"It's delicious, where did you learn this?" tanong ni Zach habang kumakain na kame.
"Kay Mama. Mahilig kasi siyang magluto. Tapos ako tingin-tingin lang pero may one time na tinuruan niya din ako. Hanggang sa matuto na ako." paliwanag ko, tumango-tango siya kaya kumain narin ako. "Huwag kang magalala. Magpapaturo pa ako ng maraming pagkain tapos ipapatikim ko sa'yo."
"Sure," sabi niya at tumango-tango.
Infairness, nakadalawang rice na siya. Masarap siguro talaga akong magluto, kasi nagustuhan niya. Actually, pwede na akong maging asawa niya! Char. Bakit ba hanggang doon na napupunta yung imagination ko? Magaasawa na agad! Gusto kong mapafacepalm dahil hindi pa niya ako kinacrushback! Iyak ng malala!
Nagvolunteer siya na siya na yung maghuhugas ng pinggan, nagtalo pa kame. Dahil akala ko hindi siya marunong pero alam niya din pala kaya pinabayaan ko na lang siya. Nanood na lang ako ng netflix habang hinihintay siya na matapos.
Hindi ko parin makalimutan yung sinabi niya kanina. Na mabango daw ako este yung pagkain na niluluto ko. Hindi ko alam kung para sa'kin ba talaga 'yon or sa niluto ko talaga? Ang gulo mo, Zachary! Kung para sa'kin talaga 'yon at nahihiya lang siyang sabihin ay palagi na akong magpeperfume kapag katabi ko siya para maturn-on siya lalo sa'kin.
"Ayusin mo yung upo mo," nagangat ako nang tingin sakaniya dahil sa sinabi niya. Tumingin ako sa skirt ko na medyo tumaas kaya umayos ako ng upo. Problema niya? Nakadapa lang naman ako ah.
Sabay kameng nanood ng movie, nakatulog pa nga ako eh. Malamig din kasi at sobrang gaan ng pakiramdam ko dito kaya nakatulog ako bigla. Nagising lang ako sa alog sa balikat ko kaya dumilat na ako. Nakita ko si Zach na nasa tapat ko, napatingin ako sa bintana at nanlaki yung mata.
"Fuck! Gabi na!" sigaw ko at agad tumayo.
"Yeah, I was about to say that. Don't worry l'll drive you home." sabi niya para hindi na ako magworried.
Bakit ba ako nakatulog?! Lagot tuloy ako kay Mama ngayon. I combed my hair using my fingers, nakatingin lang siya sa'kin. Inayos ko na yung gamit ko at sinuot sa likod yung bag ko. Inayos ko narin pati yung uniform ko na medyo nagusot.
"Bakit kasi hindi mo 'ko ginising," inis kong sabi habang nasa elevator kame.
"I don't want to disturb you. You looked tired. And, I suggest you should sleep early. Well, I guess you had so many boys to chat with," sabi niya at inayos parin yung buhok ko.
Tumingin ako sakaniya na abala sa pagayos ng buhok ko. Ramdam ko yung tabang sa boses niya. Nagseselos ba siya? Ng makita niya ako na nakatingin sakaniya, tumingin rin siya sa'kin pero bumitaw rin. Ngumisi ako dahil feeling ko parang nagugustuhan niya na din ako.
"Wala, hah! Ikaw lang chinachat kong lalake," agad kong sabi para hindi siya maghinala. Hindi kaya ako playgirl.
Pumasok na ako sa kotse niya at sinandal yung ulo sa headrest ng upuan ko, nakita ko siyang sumakay narin sa kotse niya. Dahil gabi na maluwag na din yung daan at hindi hassle. Presko pa dahil nakabukas yung yung window. Nililipad pa ng hangin yung buhok ni Zach. Tinignan ko na lang siya habang nagdadrive papunta sa bahay namin.
BINABASA MO ANG
𝗟𝗼𝘃𝗶𝗻𝗴 𝘆𝗼𝘂𝗿 𝗗𝗲𝗰𝗲𝗽𝘁𝗶𝗼𝗻 (ALLURING SERIES #1)
RomanceALLURING SERIES #1 [COMPLETED] WARNING: R-18+ | MATURE CONTENT. Read at your own risk. ╰┈➤Zach, really wants to forget his first girlfriend and his first love aswell. Until, he met Irene who become one of the student in their class. Can irene make t...