Chapter 7
"Okay na kame," bungad ko kila Beatrice kinabukasan.
Hinatid ako kagabi ni Zach sa bahay namin. Hindi ko na nga natext sila Suzein na nakauwi na ako eh. Naalala ko na nakasandal lang yung ulo ko sa balikat niya habang nagmamaneho siya. Medyo nakainom pa ako no'n. Pero, maganda parin and perfect!
Nagtatampo parin ako sakaniya dahil bakit sa pisnge niya lang ako hinalikan! Akala ko siya na yung first kiss ko tapos sa pisnge niya lang ako hinalikan? Pinaasa niya ako! Pero, pwede na... atleast my improvement. Baka nga sa susunod sa labi ko na siya hahalik.
"Wow, naman. Inuna pa yung landi. Gaga ka! Iniwan mo kame kagabi!" sigaw ni Karel at hinatak pa yung buhok ko kaya inirapan ko siya.
"Oh, akala ko ba ayaw mo na tapos ngayon," sabi ni Mya.
"Atleast, hinalikan niya ako kagabi kaya worth it lang!" sobrang saya kong sambit sakanila, umismid naman si Beatrice.
"Anong worth it? Yung pagiwan samin do'n. Sa'n ka ba niya hinalikan? Sa labi?" tanong ni Mya.
"Sa pisnge lang." nakabusangot kong sabi kaya humagalpak sila ng tawa.
"Grabe ka! Dapat sa labi ka niya hinalikan. Siguro 'di ka pa niya nagugustuhan. Galingan mo kasi sa paglandi." advise pa ni Karel.
Siguro nga kailangan ko pa galingan para tuluyan ko ng makuha yung loob niya at macrushback na niya ako. At, para makalimutan niya narin yung ex niya. Napapansin ko pa lang sakaniya ay konting push na lang ay bibigay na siya sa'kin.
"Are you sure na okay na kayo? At napatawad mo na?" tanong ni Airam.
"Nagexplain naman na siya sa'kin at sinabi niyang 'di na niya mahal yung ex niya, kaya okay na 'yon." Kumuha ako ng chips sa hawak ni Beatrice, sinamaan pa nga ako ng tingin.
Nilibre ko na lang sila dahil sa pagiwan ko sakanila kagabi. Sabay din silang umuwi kagabi at nahatid rin sila sa bahay ng driver. At tama nga hinala ko dahil nalasing si Suzein. Ubos tuloy yung pera ko dahil sa kanila. Elementary pa lang parang ako na nga nagpapakain sakanila eh dahil sa dami kong nilibre sakanila.
Naguusap narin kame sa class ni Zach. May time pa nga na napagalitan ako ng prof ko dahil todo kwentuhan lang kame. Pero, ba't ako lang pinagalitan? Dapat siya din eh dahil siya naman gumagawa ng topic, nakikisabay lang ako. Kaya nung napagalitan ako ay todo tawa siya sa'kin, kainis!
"Saan ka pupunta bukas?" tanong ko kay Zach dahil saturday bukas, ang dali lang talaga ng araw.
"I'll visit my mom in the hospital, you?" He glanced at me bago ibalik sa daan yung tingin.
"Magsisimba kame ni Mama ngayong sunday eh. Kaya next time na ako sasama. And, sana gumising na si Tita." sabi ko at ngumiti ng matamis sakaniya.
He nodded. "That's good and don't go in that bar again, you hardheaded girl." sabi niya at pinitik yung noo ko kaya sinamaan ko siya ng tingin.
Bumaba na ako sa sasakyan niya. Binaba niya yung bintana para makita ako kaya tumingin rin ako sakaniya. Pero, sa totoo lang ay gusto ko pa siyang makasama ng matagal. Yung tipong didikit na lang ako sakaniya. Char! Pero, alam kong hindi pwede 'yon.
"Wala ba akong kiss? Ayoko sa cheeks ah, gusto ko sa labi." Demanding kong sabi sabay pout sa harapan niya.
"Go inside, Irene. Gumagabi na." sumimangot ako.
BINABASA MO ANG
𝗟𝗼𝘃𝗶𝗻𝗴 𝘆𝗼𝘂𝗿 𝗗𝗲𝗰𝗲𝗽𝘁𝗶𝗼𝗻 (ALLURING SERIES #1)
RomansaALLURING SERIES #1 [COMPLETED] WARNING: R-18+ | MATURE CONTENT. Read at your own risk. ╰┈➤Zach, really wants to forget his first girlfriend and his first love aswell. Until, he met Irene who become one of the student in their class. Can irene make t...