Chapter 2
"Totoo ba 'to?! Na nag-open ka sakin!" Hindi ko mapigilan na isigaw yung gusto kong sabihin.
"God! You're so loud, 'no," inis niyang sabi sa'kin.
Ngumuso ako at tumingin sa labas ng bintana. Tumingin-tingin ako kung may madadaan kameng fast food chain dahil gutom na gutom na ako. Sana pala sumama muna ako kay Airam kumain pero bahala na. Nandito na 'to.
"Pero, totoo nga? Na wala kang girlfriend?" tanong ko.
Gusto kong makasiguro kung totoo ba yung sinabi niya or baka namali ako ng dinig, diba? Ayokong magising na may sumasabunot na sa'kin 'no! Atsaka, baka pagnalaman 'to ni karel, baka resbakan niya agad yung babae! Ayaw ko rin ng away!
"Do I have to repeat that again?" inis niyang tanong.
"Ikaw, ang sungit mo 'no? Buti 'di na tuturn-off sa'yo girlfriend mo?" natatawa kong sabi, natigil lang ako ng tignan niya ako ng masama.
Atsaka, ano yung sinabi niya kanina? Na wala siyang girlfriend pero mahal niya parin yung babae? Isa lang talaga masasabi 'ko na Sana All talaga. Akin ka na lang kasi! Joke. Ba't pa niya kasi pipilitin yung sarili niya do'n dahil parang isang tingin niya lang sa babae ay mapapaOo na niya ito.
Grabe naman yung pagmamahal niya do'n sa jowa niya. Yung ibang boys kase katulad ng jowa ni Airam. Isang araw lang may kalaplap na sa gilid like wtf! Hindi ko alam kung ba't may lalake ding ganoon. Hindi ba sila nakokontento sa isang babae? Iba na talaga kapag tawag ng katawan.
"'Di naman masakit," bulong ko.
"What?" tanong niya, hindi maintindihan yung sinabi ko.
"Ah, sabi 'ko. 'Di naman masakit makagat ng lamok." emotional kong sabi at inirapan siya.
Bumuntong hininga sya. "Bipolar."
Automatic akong napabaling sakaniya. Gusto ko siyang sigawan dahil sa sinabi niya. Swerte nga siya crush ko siya eh! Pero, dapat hindi pa 'yon pinapahalata. Baka maghinala siya kung bakit ang bilis kong nagkagusto sakaniya at baka sabihin niya trip ko lang siya at playgirl ako! Kaya no pressure lang, Irene.
"What now? Are you hungry?" tanong niya bigla.
"Buti naman at naisip mo 'yan! Kanina pa ako gutom 'no! Kaya ilibre mo 'ko. Baka mauna pa akong mamatay sa gutom bago natin marating yung condo mo," nakapout kong sabi sakaniya pero 'di niya ako pinansin.
Nagstop kame sa isang fast food. Tinanong niya ako kung kakain ba daw kame sa loob. Pero umayaw ako. Dito na lang ako kakain sa loob ng kotse niya para may memories ako dito kung sakaling 'di na ako makasakay ulit dito.
"What do you want?" tanong niya.
"Gusto ko lang naman ng borger atsaka prays eh," pabebe kong sagot.
Tumingin siya sakin na nakakunot yung noo. Hindi maintindihan yung request ko at mukhang naiinis na sa'kin. Gwapo parin siya kahit galit na. Nakalagay yung isang braso niya sa nakababang bintana at yung isang kamay ay nasa steering wheel habang inis na nakatingin sa'kin.
"Joke," Bawi ko. Tumingin ako kay Ate na naghihintay at inirapan pa ako kaya inirapan ko rin siya. "Ah, may Zach po ba sa menu? 'Yon na lang yung kakainin 'ko." nakangisi ko pang sabi.
BINABASA MO ANG
𝗟𝗼𝘃𝗶𝗻𝗴 𝘆𝗼𝘂𝗿 𝗗𝗲𝗰𝗲𝗽𝘁𝗶𝗼𝗻 (ALLURING SERIES #1)
عاطفيةALLURING SERIES #1 [COMPLETED] WARNING: R-18+ | MATURE CONTENT. Read at your own risk. ╰┈➤Zach, really wants to forget his first girlfriend and his first love aswell. Until, he met Irene who become one of the student in their class. Can irene make t...