WORD OF WISDOMS

2.2K 33 1
                                    

3rd Person POV

Nasa isang coffee shop ang magkakaibigan na sila Kiel, Gabby, Moe, Patrick at Shane. Parang the usual lang nung high school pa sila. Pagtapos ng class didiretso sila sa isang shop para tumambay. Naisipan nila ngayon na magbonding dahil namiss nila gawin kaya ayan sila ngayon.

Kiel: Oh kamusta naman ang buhay-buhay huh?

Shane: Ito masaya dahil sa wakas nakabuo na kami ni Lyn :-)

Masayang pagbabalita ni Shane. Dahil sa haba ng pagsasama nila at sa tagal na rin nilang kasal eh nakabuo na sila ng anghel nila.

Patrick: Uy ninong kami aah.

Moe: Ako ninang.

Shane: Oo naman no. Di ko ata kayo kakalimutan. Basta ninang at ninong din ang mga partner nyo.

Kiel: walang problema dun Shane ^_^

Tahimik lang si Gabby na nakikinig sa kanila. Ganyan naman yan palagi pag ganitong nagba-bonding sila eh.

Pat: Im so happy for you Shane. Kaya ikaw magtino ka na dahil magiging tatay ka na.

Shane: Oo naman.

Moe: Eh ikaw Pat kelan ang kasal?

Pat: Next year na. Kaya ngayon pa lang nilulubus-lubusan ko na ang pagiging buhay binata ko dahil next year tali na ako.

Natawa naman sila.

Shane: Eh ikaw kiel wala pa bang balak?

Kiel: wala pa eh. Ayaw pa ni Yanny eh.

Moe: Ay bakit naman?

Kiel: Kasi sabi nya enjoyin muna daw namin ung kung anong meron kami kasi pag pinasok na daw namin ung buhay mag-asawa eh lahat magbabago na. Kaya ayun pumayag ako.

Pat: ok lang sayo un?

Kiel: oo naman. Mahal ko sya eh kaya gagawin ko kung ano ang gusto nya. Dadating din kami jan. Hintay lang kayo basta ba anjan pa rin kayo sa oras ng ikakasal na ako.

Shane: oo naman no. Remember we're all in this together.

Napangiti sila.

Pat: eh ikaw Moe?

Moe: siguro this December kami magpapakasal para diretso bakasyon diba.

Kiel: Ay tama nga choice mo.

Pat: oo tsaka wala pa masyado kaagaw sa church.

Moe: i know kaya un ang napili ko.

Nagpatuloy lang sila sa pag-uusap ng napansin nilang wlng kibo si Gabby

Shane: Ikaw Jazz?

Walang imik.

Pat: Huy Jazz?! (Tapik ng mahina sa braso)

Napatingin naman si Gabby sa kanya.

Moe: Lalim ng iniisip aah.

Kiel: Share naman jan. :-)

Napabuntong hininga si Gabby

Shane: lalim nun aah. Anu ba iniisip mo baka makatulong kami.

Nagdadalawang isip si Gabby kung sasabihin ba nya ung last encounter nila ni Skye o hindi. Pero no choice matatalik naman yang kaibigan to.

Gabby: Naisip ko lang guys na sobra pala ung sakit na naidulot ko kay Skye.

Napatingin sila kay Gabby at halata sa boses nya ang kalungkutan.

Way Back Into Love (Sequel of IWEMA)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon