Chapter 1

896 15 0
                                    

"Pa, pasabi kay Mang Filo aalis ako in 30 minutes."

Nagmamadali si Yana na humalik ng makita niyang dumating na ang Papá niya. Kaarawan ng matalik niyang kaibigan na si Chantal. At bilang matalik na kaibigan nito, kailangan niyang maging maganda at sopistikada. Natural, isa lang naman siyang Mondragon.

"Dayana, nag-paalam si Filomeno. Nagkasakit ang anak niya sa probinsya. Umuwi siya kaninang madaling araw sa kanila. Walang magmamaneho sa 'yo."

"What?!" napasigaw na sagot niya sa ama. "Hindi pwede, pa. Birthday ni Chantal. Kailangan kong pumunta doon."

Nararamdaman na ni Yana na unti-unting umaakyat ang dugo niya sa ulo. Naiinis siya. Bakit ngayon pa kailangan magkasakit ng anak ni Mang Filo? Bakit ngayon pa kung kailan niya kailangan ng driver. "Pa, do something! Hindi pwedeng walang magda-drive for me! Oh my gosh. I have to be there. I am the VIP of the party. Kapag hindi ako nakapunta, kawawa naman si Chantal."

"Dayana, anong gagawin ko? Wala nga si Filo. Hindi ako makakakuha basta basta ng magmamaneho para sa 'yo sa loob ng isang oras."

"Pa, thirty minutes. I have to leave in 30 minutes! Gawaan mo ng paraan."

Nagdadabog na umalis si Yana at iniwan ang ama niya. Napapailing na lang din ito sa ugali niya. Agad na ipinatawag ng Papá niya ang mga tauhan nila para masolusyunan ang problema ni Yana.

"Dayana, may driver ka na."

Eksaktong tatlumpung minuto ay bumalik si Yana sa Papá niya. Nakita niyang nakaupo ito sa hardin nila at nandoon ang lahat ng kasambahay nila. Napataas ang kilay niya.

Bakit kumpleto sila dito? Nag-roll call ba si Papá at nagpatawag ng emergency meeting?

"Great. I need to leave. Now."

"Andrei, hijo, ito ang anak kong si Dayana. Siya ang ipagmamaneho mo ngayon." nakangiting pakilala ng papá niya sa kanya. Nakatingin ito sa likuran niya. Iniikot ni Yana ang mata bago lumingon para makilala ang driver niya.

Shit, ang sarap!

"Salamat at nandito ka ngayon, hijo. Kaaalis lang ng driver namin kaninang madaling araw. Buti na lang at pinuntahan mo si Mely dito."

Tango lang ang isinagot ng lalaking tinawag ng papá niya na Andrei. Pormal na pormal ang mukha nito. Ni hindi nangiti.

Ang sarap ng biceps. Ano kayang lasa niya?

"Dayana!"

"Pa?!"

"Kanina pa kita tinatawag. Lumilipad yata ang isip mo."

Shit! Nakakahiya 'to si Papá. Kailangan pa bang i-announce? "I'm running late to Chantal's party. I think we need to go."

"Pamangkin ni Mely si Andrei. Huwag mong pahihirapan ang bago mong driver, Dayana."

"Papá, paano ko naman pahihirapan ang driver ko kung hindi naman siya makakapasok sa bar?"

"Bar?" nandilat si Yana at sinenyasan si Andrei na ipagtanggol siya. Ang kaso, dinedma lang aiya ng hudyo. No hindi siya tinatapunan ng tingin. "Dayana?"

Wow! Siguro wala siyang taste. Artemis Dayana Mondragon, i-ignore mo lang? How tasteless.

"Papá! Arte!!!" ito na naman ang paboritong anak ni José María. "Are you saying that I am maarte, Theia?"

"Artemis." sita sa kanya ng bagong dating na si Athena. Tinapik siya nito sa balikat bago humalik sa papá nila at bumati. "Pa. Astraea."

"Hi, ate Thena."

"Tignan mo 'tong bastos na 'to. Si Athena tinawag mong ate, ako Arte?"

"Artemis pangalan mo, 'di ba?" nakangising sagot ng bunso niyang kapatid na si Astraea. "Shortcut lang."

"Shortcut-in mo mukha mo, bruha!"

"Ang kapal ng make-up mo, impakta."

"Hindi ba kayo titigil dalawa? Nakukulta utak ko sa inyo. Kung magtatalo kayo, umalis kayo dito. Dito pa kayo nag-away sa harap ni Papá."

Natatawa lang silang pinanonood ng papá nila. Napatingin ito sa likod ni Yana bago ngumiti na parang humihingi ng paumanhin.

Shit! 'Yong party ni Chantal.

"Gosh, I forgot the party. Alis na ko. Bye, pa. Don't wait for me. Gagabihin ako ng uwi."

"What's new, Temis?"

"Hindi mo ba talaga ko titigilan sa pambibwisit mo, Astraea Denise?"

Tinawanan lang siya nito bago nauna pang umalis sa kanya. Nagpaalam muli si Yana sa Papá niya at kay Athena bago humarap sa bago niyang driver.

"Let's go, babe." iniangkla niya ang kamay sa mga braso nito bago hinila ito paalis.

Para-paraan. Ang bango! Ang sarap. Pa, I can't. Parang masarap ulam ko mamaya.

Nagulat si Dayana nang dahan-dahang inialis ni Andrei ang kamay niya sa pagkakahawak sa braso nito. Parang nadidiri pa sa paghawak niya.

Walang hiya!!! Sa harap pa ni Papá at Athena. Buti na lang wala na si Theia kung hindi aasarin na naman ako ng babaitang 'yon.

Narinig niya ang pagpipigil ng tawa ni Athena sa ginawa ni Andrei kaya naman galit siyang tumingin dito at matalim na inismiran ang kapatid.

"Go, A. D. One! A. D. Wow." tawa ito ng tawa dahil nalukot ang mukha niya sa sinabi nito.

Humanda kang bruha ka. Pasalamat kayo ng kapatid mo nagmamadali ako kung hindi sasabunutan ko kayong dalawa. Pagbalik ko, gagantihan ko kayong mag-ateng bruha.

"Miss Mondragon?"

Napalingon si Yana nang marinig niya ang pagtawag sa likuran niya. Nagulat siya na si Andrei pala iyon.

Pati boses mo, babe, ang sarap. Eat me whole!!!

"Your 30 minutes is over. An hour has passed. Are we leaving or not?"

Gagi! Ang gwapo mo magalit. Kapag nagagalit ka ba, may iba pang nagagalit? I want to know.

"Ah, yeah. Let's go, Andrei. Late na ko sa party."

Ipinagsa-walang bahala na lang ni Yana ang pagsusungit ni Andrei sa kanya. Tutal masarap naman ito sa paningin niya.

Ngayon lang 'to, babe. Sa susunod luluhod ka na sa akin. At luluhod rin ako sa iyo. Buong gabi tayong magdadasal ng mataimtim.

Nangingiti na lang siya sa naiisip. Parang ngayon lang siya na-attract ng ganito. Sa driver niya pa.

Mukhang mapapadalas ang alis mo, Yana.

Mondragon Empire 1: Artemis' HuntTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon