Chapter 4

198 10 11
                                    

"Manang, may lakad po ba si Theia ngayon?"

Nagtatakang tumingin si Manang Mely kay Forrest. Ipinagpatuloy lang nito ang ginagawa at hindi siya sinagot. "Manang?"

"Nakakagulat na nagsasalita ka ng Tagalog, hijo. Ngunit mas nakakagulat na hinahanap mo si Theia. Kailan pa kayo nagkalapit dalawa? Kanina pa sila umalis. Sumabay ng pasok sa ate Athena niya."

"Ganoon po ba? Ano po kayang pwede kong gawin ngayon? Baka po mapagalitan ako kapag wala akong ginagawa."

"Manang Mely, sino po si Andrei?" nang lingunin ni Forrest ang bagong dating ay kulang ang salitang kinabahan sa babaeng nakatayo sa harap niya ngayon.

Sigurado si Forrest na isa ito sa mga anak ng Mondragon. Makikita rito ang pagiging isang Mondragon sa oras pa lamang na dumaan ito sa harap mo.

Para akong nakakita ng ikalawang Yana.

"Ikaw si Andrei? I need a driver. Pakihanda na 'yong sasakyan."

"Kakain ka ba muna, Mari?" tanong ni Manang Mely sa dalaga.

"Hindi na po, Manang. Hahanap na lang po ako ng kakainan sa labas." umalis na ito at hindi man lang siya tinapunan ng tingin.

Mas malala pala 'to kay Artemis. Sana si Artemis na lang ulit.

"Babe?"

Fuck! Be careful what you wish for.

"Manang, nasaan po si Andrei? Nandyan ka pala, babe. Tara, samahan mo ko. Pupunta ako sa office. May meeting na kailangan ang napakagandang presensya ko." deretso itong lumapit kay Forrest, sabay himas sa braso at dibdib niya. "Kumain ka na ba? Doon ka na lang muna sa office ko. Hintayin mo ko. Mabilis lang 'yong meeting, hindi ko naman tatapusin. Tapos kain na lang tayo pagkatapos. Magkainan tayo."

"Andrei!!! Ang sabi ko, get the car ready. Kanina pa ko nasa labas bakit wala 'yong sasakyan?" ang matinis na boses ni Mari ang bumalot sa katahimikan nilang lahat. "O, Yana nandito ka pala. Ano pang ginagawa mo dito? Kanina pa umalis si Dom at Theia?"

"Paalis na nga ako kaso may natili na hinahanap 'yong driver ko." may diin ang salitang driver ko na sagot ni Artemis. "Anong kailangan mo kay Andrei?"

"Magsa-shopping ako. Wala akong driver."

"Sa office ako pupunta, mas importante 'yong lakad ko. Kung gusto mo hiramin 'yong driver ko, maghintay kang maihatid niya ko. Or, hatid ka namin tas bahala ka na sa buhay mo."

"Wala kang maloloko dito, Artemis Dayana. Kunyari ka pang office, para ka ngang sinusunog ng buhay doon, lagi kang nagmamadali umalis."

"Ate, driver ko si Andrei."

"Sabihin mo, gusto mo lang solohin. Huwag ka na pumunta ng meeting, sama ka na lang sa akin mag-shopping."

Nagtalo na ang magkapatid kung sino ang dapat na ipag-drive niya. Nagkatinginan sina Forrest at Manang Mely. Iiling-iling na sumabat siya sa pagtatalo ng magkapatid.

"Ipagdadrive ko na kayong pareho. Hindi niyo naman kailangan magtalo."

"No. Ako ang unang magsabing ipag-drive mo ko kaya sa akin ka sasama." sabi ni Mari sa binata.

"Babe, you are my driver. Hindi kailangan mamili. I have to be the priority. You are mine. There's no other choice."

Sasagot na sana si Forrest nang tumunog ang telepono. Sinagot ito ni Manang Mely at inabot sa kanya.

Hello! How's day two at the Mondragons?

"Why didn't you wake me up to drive you, Princess?"

Mondragon Empire 1: Artemis' HuntTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon