Chapter 24

89 4 0
                                    

Tinatamad na bumangon si Yana. Ang aga pa pero magkasalubong na agad ang kilay niya. Maingat siyang nag-inat ng katawan dahil maliban sa parang pinupukpok ng matigas na bagay ang ulo niya ay masakit din ang buong katawan niya. Nakaangat ang dalawang kamay pataas, napalingon siya sa gawing kaliwa niya ng makita na maliwanag na sa labas. Biglang nanlaki ang kanyang mga mata at pilit na inalala kung anong mayroon sa araw na iyon.

"Shit, late na ko!" napabalikwas siya ng bangon ng makitang alas-otso y media na. Salamat sa malaking orasan na nasa harap niya ng i-deretso niya ang tingin matapos mapansin na mataas na ang araw. Tahimik niyang pinagagalitan ang sarili habang lumalabas sa guest room na tinulugan niya. Marami siguro siyang nainom ng nagdaang gabi kaya hindi na niya namalayan na nakauwi na pala siya at doon na nakatulog sa kwarto sa ibaba at hindi sa mismong kwarto niya.

Ang tanga tanga mo, Yana. Male-late ka na sa meeting, ang bagal mo pa? pakikipagtalo niya sa sarili dahil sinisikap niyang hindi makagawa ng ingay paakyat sa kwarto niya. Napatalon siya ng may biglang tumawag sa pangalan niya. Nakahinga siya ng maluwag ng makita si Mang Filo.

"Ikaw lang pala, Mang Filo." hindi sigurado kung ngiti ba o ngiwi ang nagawa ng kanyang labi, "Bakit niyo po ako tinawag?"

"Nakahanda na ho ang sasakyan niyo, Ms. Yana. Nakailang tawag na ho sa akin si Ma'am Theia. Parating na daw po ang papá ninyo sa opisina. Kailangan daw po ay makarating kayo bago mag-alas nuebe."

Agad agad? Maliligo pa ko, "sige po, magbibihis lang po ako."

"Ma'am, kung maaari po, makababa sana kayo bago mag-sampung minuto. Kung hindi ako nagkakamali, limang minuto na lang ay nandoon na ang papá ninyo."

Tumango na lang siya at mabilis na tinakbo ang hagdan papunta sa kanyang silid. Wala pang sampung minuto ay nakaalis na siya sa mansyon papunta sa opisina nila.

"It's good that Astraea closed the deal but where the hell is your sister, Athena?" dumadagundong ang malamig na boses ng papá nila sa loob ng opisina nito. Sa kamalas-malasan, inabutan si Yana ng rush hour at na-traffic siya papasok. Ang tatlumpung minutong biyahe ay umabot ng isa't kalahating oras. Hindi pumayag ang papá niya na mag-report siya sa meeting habang nasa daan kaya alam niyang bago siya makarating sa opisina ay tapos na ang meeting nila. Hindi nga niya inabutan iyon at hindi niya kayang magdiwang kahit na maganda ang kinalabasan ng project nila dahil galit na galit ang papá nila.

"She was stuck in traffic, Papá. I'm sure she didn't mean to be late." mahinahong paliwanag ni Athena.

"Yana worked hard on this project, Papá. Isa pa, hindi naman masosolusyunan ni Yana ang trapik sa Pilipinas. If you don't want her to be late, magpagawa ka ng sarili nating kalye mula sa bahay na deretso dito sa building para makarating siya agad." sagot naman ni Theia.

"Theia," sita ni Athena na pinanlakihan pa ng mata ang kapatid. "Huwag kang sumagot ng pabalang sa papá."

"Mali ba ko? Alam naman natin kung paanong pinaghirapan ni Yana lahat ng ito. She even begged to present her portfolio pero hindi naman siya pinayagan ni Papá."

Bago pa magtalo ang mga kapatid niya ay kumatok na siya at pumasok sa opisina. Tumambad sa kanya ang dalawang kapatid na nagtatalo sa harapan ng Papá nila. Madilim ang mukha ng kanyang papá kaya hindi naiwasan ni Yana na makaramdam ng takot. Masama ang tingin nito sa kanya kaya matapos bumati ay itinago na lang niya ang mukha niya sa mahaba niyang buhok.

"What can you say about your presentation, Ms. Artemis Dayana?" malamig na tanong ng papá niya na nagpapikit ng husto sa mga mata niya. Hindi na nga siya makatingin ng deretso dito ay ganoon pa ang tono ng boses nito.

"Sorry Pa, I—"

"Hanggang kailan mo sisirain ang buhay mo para sa lalaking iyon?" napatingala siya ng marinig ang galit na tinig ng kanyang ama.

Mondragon Empire 1: Artemis' HuntTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon