"Ah, bwisit!"
Simula ng magkausap sila ni Andrei ay hindi na ito nawala sa isip niya. She was hurt, fine. She forgave him, matagal na. But when he asked for it, she can't even answer properly. Hindi pa nakatulong ang pagsunod nito sa kanya sa reception buong gabi. Magpapatulong na sana siya kay Niccolo pero ang hudas, bigla na lang naglaho na parang bula. Nang tawagan niya pa ito ay nagpaalam na daw ito sa mga kapatid niya at may importante itong pupuntahan.
Hindi niya alam kung nakatulong ang pag-iwas niyang may makakita sa kanilang dalawa ni Andrei o mas naging daan pa iyon para mas masolo siya ng lalaki. Ang kinaiinis pa ni Yana ay parang wala lang dito ang mga nangyari. He's so casual. He's more confident now. Siguro ay dahil hindi na ito nagtatago ngayon.
"Ang kalat naman dito." reklamo ni Mari ng pumasok ito sa opisina niya, "corny ng papá, pinasara 'yong office ni Theia. Nandoon pa naman lahat ng sin food."
"Sin food?"
"Oo," naglakad ito papunta sa mini pantry niya at kumuha ng bottled water, "sweets, dark chocolate ganoon. May mga crackers din siya at cookies. May chips. Lahat ng bawal kainin, nandoon sa office ni Theia."
"Office ba 'yon o mini grocery?" nagtawanan sila sa sinabi niya.
"So, anong gumugulo sa iyo?"
"Huh?" ganoon ba ko ka-obvious?
"Si Forrest ba?"
"Pinagsasasabi mo, Ate Mari?"
"Kunwari na lang hindi ko nakita itong bouquet," napangiwi siya sa sinabi nito.
Iyon pa nga pala, araw-araw siyang pinadadalhan ni Andrei ng bulaklak. Imposible na hindi iyon makarating sa kanyang papá kaya kinakabahan din si Yana. Ayaw naman niya na hindi madala iyon sa opisina niya dahil mas malaki ang tsansa na makarating agad sa papá niya ang balita kung magiging pakalat-kalat ang mga bulaklak na iyon sa reception nila.
"Huwag mo sasabihin kahit kanino, ate," pinandilatan niya ito.
"Ano naman kung nagpadala ng bulaklak?"
"One week na kong may bulaklak?"
"Ay, ganda." pang-aasar nito sa kanya kaya binato niya ito ng nilamukos na papel.
"Wala ka bang magawa?"
"Wala, mag-shopping lang ako. Sama ka? Hinihintay ko lang dumating si Mang Filo."
"Busy ako," tanggi niya.
"Nag-iba ka na talaga, Yana. Hindi na ikaw iyong kapatid na nakilala ko," pagda-drama nito.
"Bwisit ka, Ate Mari! Sige na, mag-shopping ka na at may gagawin pa ko."
"'Sus! Baka tatawagan mo lang si Forrest, ah? Sige lang, hindi kita isusumbong sa papá."
"Heh!" tinulak niya na ito palabas ng opisina niya. Tawa ito ng tawa. Nagpaalam na ito at muli siyang inasar sa lalaki bago nito tinungo ang elevator na katapat lang ng opisina niya. Mas sumakit yata ang ulo niya dahil sa ate niya.
Thank God It's Friday!
Napagkasunduan nilang magkakapatid na magpunta sa Fire In Ice para mag-unwind. Ito ang unang paglabas nila kasama ang bunso nilang kapatid na isang linggo na pala hindi umuuwi sa bahay nila.
Noon pa naman daw ay bihira na itong manatili sa bahay nila. May mga araw na doon ito namamalagi sa bahay na tinitirhan nito at ng asawa na nitong si Nox Romualdez. Parang kailan lang ang lahat. Isang taon na pala ang nagdaan mula ng magwala ang kapatid niya dahil ayaw nitong magpakasal. Isang taon na mula noong iniwan siya ni Andrei.
BINABASA MO ANG
Mondragon Empire 1: Artemis' Hunt
Romance"Sino bang pinagmamalaki mo, Forrest? 'Yong babaeng 'yon. Hindi hamak naman na mas maganda ako doon. Mas sexy, mas mayaman. Hello! Mondragon na ang lumalapit sa iyo. What's not to like?" -·-·-·-·-·-·-·-·-·-·-·-·-·-·-·-·-·-·-·-·-·-·-·-·-·-·-·-·-·-·-·...