Chapter 19

97 4 0
                                    

Hindi inaasahan ni Yana na mapupuno ng saya ang dibdib niya ng makarating sila sa tuktok. Ilang beses silang huminto ni Andrei dahil sa hingal niya. Matiyaga at pasensyoso siyang hinihintay nito tuwing gusto niyang tumigil sa paglalakad. Nakita niya rin kung gaano nito kamahal ang pag-akyat. Siya rin naman, parang gusto na rin niyang mahalin ito— ang pag-akyat ng bundok.

Hindi siya nature lover. Mas pipiliin niyang magpuyat at uminom sa bar kaysa matulog at maghanda para sa pag-akyat sa bundok. Nakaidlip man sa biyahe, madaling-araw silang umalis ni Andrei ng Maynila para makarating sa Benguet. Dere-deretso lang sila ng binata kaya nahihiya rin siyang magreklamo dito. Una, ito ang naghanda at nagmaneho papunta doon. Pangalawa, maaga silang nagsimula sa pagwa-warm up dahil inasiste pa siya nito. Pangatlo, ilang minuto lang silang naghintay sa iba nilang kasama at nagsimula agad sila sa pag-akyat. Ngayon nga ay kakarating lang nila sa tuktok, ngunit imbes na magpahinga ay ibinaba lang ni Andrei ang suot nitong bag para kuhaan siya ng tubig.

"Here. I know you are tired," ramdam na ang pagod sa pagsasalita nito.

"Ikaw, gusto mo na ba magpahinga?"

"Do you want me to take pictures of you?"

"Hey! I asked you first."

"Okay lang ako, Yana," ngumiti pa ito sa kanya na para bang hindi niya nakikita ang pagod na naka-rehistro sa mukha nito. "ikaw, gusto mo bang magpahinga?"

"Parang ikaw ang may kailangan n'yan."

Ngumiti lang ito at kinuha ang telepono nito sa bulsa. Pinag-pose siya nito ng ilang beses. Kuha ito ng kuha ng litrato niya. Nagpakuha rin sila ng magkasama kaya kinilig si Yana. Hindi na lang niya pinahalata dito na kinikilig siya. Ang totoo, na-appreciate niya ang pag-aalaga nito sa kanya. Mula sa pag-alalay hanggang sa pag-aasikaso sa kanya at sa mga pangangailangan niya. Napakasarap pala maging boyfriend ni Andrei.

Kung sasabihin ko ba kay Papá na nagkagusto ako kay Andrei, magagalit siya?

Iwinaksi niya agad sa isipan ang namuong tanong doon. Hindi maaari. Hindi siya gusto ng binata. Wala itong nararamdaman sa kanya at wala silang relasyon nito. Oo, naghalikan na sila. Oo, ilang beses na muntik na may mangyari sa kanila. Ngunit hindi ibig sabihin noon ay may relasyon na sila. Na may karapatan na siyang isipin ang kinabukasan nila.

"Are you okay? May nararamdaman ka ba?" nagulat siya ng marinig ang nag-aalalang boses ni Andrei. Nakahawak ito sa balikat niya at nakatitig ng deretso sa mga mata niya. Mabilis siyang nagbawi ng tingin. Mahirap na, baka makita nito sa mga mata niya kung ano ang tunay niyang nararamdaman para dito.

"Okay lang ako," sagot niya sa binata at gumanti rito ng matamis na ngiti.

"Are you sure?"

"Very," tumango-tango ito bago bumitaw sa kanya. Mabilis na binalot ng lamig ang buong katawan niya ng tumalikod ito. Ganoon pala 'yon? Bigla siyang makakaramdam ng lamig kapag nawala ito. Ganoon pala kainit ang epekto ni Andrei sa buhay niya.

May mga sinasabi ito sa kanya ngunit kahit isang salita ay walang rumehisto sa isip niya. "Andrei," pagpukaw niya sa atensyon nito.

Hindi na siya nag-dalawang isip na halikan si Andrei ng humarap ito sa kanya. Malamig ang mga labi nito. Hindi ito gumagalaw noong una, ngunit hindi nagtagal ay gumanti ito ng paghalik sa kanya. Mainit, may pagmamadali, at mapusok nitong inangkin ang labi niya. Mabilis na natupok ang panlalamig na naramdaman ni Yana. At kahit tapos na sila sa pakikipaghalikan sa isa't-isa ay hindi magawang idilat ni Yana ang mga mata niya.

What were you thinking, Artemis Dayana? pinapagalitan niya ang sarili sa nagawa, Mondragon ka pero ikaw pa ang nanghalik?

At least, he returned my kisses.

Mondragon Empire 1: Artemis' HuntTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon