Chapter 15

92 4 0
                                    

Isang oras na nagpapaikot-ikot si Yana sa loob ng closet niya. Hindi siya makapili ng isusuot. Alas-sais pa lang ay gising na siya at naghahanap ng isusuot niya papasok ng opisina. Hindi niya alam kung anong pumasok sa isipan niya at gumising siya ng maaga. Noong makita niyang mag-aalas siyete y media na ay kumuha na lang siya ng itim na slacks at pulang blouse. Kinulot niya ang dulo ng buhok niya at naglagay din ng manipis na make-up. Nang makuntento sa itsura ay lumabas na siya ng kwarto niya at nagpunta sa kusina.

Gusto niyang matawa ng mabitiwan ni Athena ang hawak nitong tinapay na isusubo sana nito. Halatang gulat na gulat itong makita siya na nandoon sa kusina. "Manang, breakfast please."

"Nananaginip ba ko?" hindi man lang itinago ng kapatid ang pagkagulat nito at sinabi nito ng direkta sa kanya ang tanong nito.

"Hindi," mataray niyang sagot bago ngitian ito, "ako talaga ang nasa harap mo, Athena Dominique. Hindi ako isang imahinasyon."

"Manang, may breakfast na... Yana?" naiikot niya ang mata niya ng pumasok ang kapatid na si Iris sa kusina. "Anong ginagawa mo dito?"

"Ah, eating my breakfast?"

"Wow, aga natin sister. May sakit ka?" nang-aasar na sabi naman ni Mari na kasunod si Kalli na tumango lang sa kanya bago umupo sa tabi ni Iris. Sa kabila naman nito umupo si Mari. Nagsunod-sunod rin ang pagdala ng pagkain sa hapag ng mga kasambahay nila. "Bakit ka nandito?"

So, they eat breakfast together without me. Gustuhin man niyang magtampo, naisip ni Yana na tuwing ganitong oras ay kasarapan pa lang ng tulog niya. Kahit pala may kanya-kanyang pinagkakaabalahan ang mga kapatid niya ay sabay sabay itong nakain.

"Last time I checked, dito pa naman ako nakatira at bahay ko 'to."

"Good morning! O, good morning din sa iyo Yana. It's good to have you with us for breakfast." nakangiting bati naman sa kanya ni Hestia. "Wala pa si Theia?"

"I'm here na," babatiin sana ni Yana ang kapatid ngunit ng makita niya ang kasama nito ay napaismid siya. Halatang katatapos lang ng mga itong tumakbo. May nakasabit pa kasi na towel sa balikat ni Theia.

"Andrei, dyan ka na umupo sa tabi ni Yana." yaya ni Athena sa lalaki na inalalayan muna makaupo si Theia sa tabi ni Athena bago tumabi sa kanya. Tahimik lang siyang kumakain habang nag-uusap ang mga ito. Gusto niyang mainis na kausap ng mga kapatid niya si Andrei at kaswal na kaswal lang ang mga itong mag-usap na parang hindi nila ito drayber.

"Theia, daan muna tayo coffee shop bago pumasok. Wala ka naman meeting, 'no?" tanong ni Mari habang umiinom ng juice.

"Wala naman," sagot ng kapatid nila.

"Lunukin mo muna 'yang nasa bibig mo, Astraea. Hindi ka mauubusan ng hotdog." sita ni Athena ng makitang inaabot nito ang mga hotdog sa harap nila.

"You can have mine, babe." hindi niya maiwasang mapasimangot ng marinig ang sinabi ni Andrei. Bago pa nito maiabot kay Theia ang hotdog sa plato nito ay hinila niya ang kamay nito at kinagatan ang hotdog nito.

"Ang layo kasi ng hotdog. Kukuha din sana ako, eh." nahihiya niyang sabi ng lahat ng tingin ng mga kapatid niya ay napunta sa kanya.

"Gusto naman pala ng hotdog," nang-aasar na sabi ni Mari. "Andrei, kanya lang daw ang hotdog mo."

"Ate Mari," natatawang sita ni Kalli. "oh my gosh!"

"Mari, gaga ka!" tumatawang sabi naman ni Iris. Si Hestia ay tahimik lang na tumatawa habang palipat-lipat ang tingin sa kanila. Si Theia naman at Athena ay nakangiti lang na kumakain.

"Bakit? Anong masama sa sinabi ko, totoo naman. Kinagat nga ni Yana 'yong hotdog ni Andrei."

"OMG, tama na!" nagtawanan ang mga kapatid niya sa reaksyon ni Kalli. Kahit siya ay natatawa na rin dito pero pinipigilan niya ang sarili dahil nararamdaman niya ang pagtitig sa kanya ni Andrei. "Nakakaloka kayo."

"Sino sasabay sa akin?" nang matapos ang tawanan ay nagtanong agad si Athena habang nagpapalipat-lipat ng tingin sa kanila.

"Sabay sabay na kaya tayo, Dom." sagot ni Hestia dito na sinegundahan agad ni Iris, "tipid sa gas din."

Tumingin si Athena sa kaliwang bisig nito para makita ang oras, "okay, wala naman akong meeting ngayon. Si Theia lang naman ang hihintayin 'no?"

"No, pwede na kayo mauna. Sabay naman kami ni Ate Mari. Ako na bahala sa amin."

"I'll drive you, girls." alok ni Andrei na pinalakpakan naman ng mga kapatid niya. "Unless, Yana is going somewhere else?" dahil sa sinabi nito ay nagtinginan ang mga kapatid niya sa kanya.

"Papasok ako," naghiyawan ang mga kapatid niya na parang isang himala ang pagkakasabi niya na papasok siya.

"It's time."

"Finally, Yana!"

"Sa wakas, lahat tayo papasok."

"Baka magpa-party ang Papá kapag nakitang kumpleto tayo mamaya."

"Okay, shower lang ako. Para makaalis na din tayo agad." paalam ni Theia sa kanila at nagmamadaling umalis sa kusina. Ganoon din ang ginawa ni Andrei na sa kabila naman dumaan. Hindi siguro dapat ito ang magmamaneho ngayon.

Nalaman lang na si Theia magda-drive, nag-presenta na.

"Uy, Yana! Kanina ka pa namin tinatawag," napatingin siya kay Athena na iwinawagayway ang kamay sa harap niya. "Bakit tulala ka?"

"Wala, may naisip lang ako."

"Bakit ka papasok, Yana? Curious lang," tanong ni Mari sa kanya.

"Wala lang. For a change? Matagal na din kasi akong hindi napasok."

"Matutuwa ang Papá at Mamá mamaya. Sabay na din tayo mag-lunch mamaya." tipid lang siyang ngumiti at nagpatuloy na sa pagkain.

Papunta pa lang sa sasakyan ay napakaingay na ng mga kapatid niya. Akala mo magpupunta ng outing ang mga ito kung mag-usap. Parang mga batang excited na mag-swimming.

"Sa likod ako!"

"Uy tabi tayo."

"Sinong tatabi sa akin? Kahit sino please, huwag lang si Mari."

"Wow, Ate Nez! Ayaw din kitang katabi."

"Yana, ikaw na dyan sa tabi ni Andrei." natigilan siya ng utusan siya ni Athena na umupo sa harap.

"But—"

"Wala ng space dito, Arte. Dyan ka na."

"Bakit hindi ikaw tumabi dito sa jowa mo, Theia? At saka anong walang space, anong tingin mo sa sasakyan mo, pang-six seater?"

"Yana, kawawa naman si Andrei kung mag-isa lang siya sa harap."

"Driver naman natin siya, anong masama kung mag-isa lang siya?"

"Ang arte ni Yana. Kaya ka Artemis, eh. Bagay na bagay sa iyo pangalan mo. Ako na," tinabig siya ni Mari at umupo sa tabi ni Andrei. Nahihiya siyang sumampa at tumabi ng upo kay Iris sa likuran. "Pasensya ka na, Andrei. Maarte talaga eh."

Inirapan niya ito ng makita niyang ngitian nito si Mari bago siya sinilip sa salamin. Hindi naman siguro tama na tabihan niya ito lalo na kung manliligaw ito ng kapatid niya.

Malandi lang tayo ng very light, Yana. Pero hindi tayo marupok. I repeat, hindi tayo marupok.

"Yana!"

"Huh?" nagulat siya ng isigaw ni Mari ang pangalan niya. Nagtawanan ang mga kapatid niya sa reaksyon niya. "Bakit?"

"Tinatanong ka ni Andrei kung magpapasundo ka daw ba sa kanya o hihintayin ka na lang niya umuwi."

"Bakit naman niya ko hihintayin?"

"Because I am your driver?" kumabog ang dibdib niya ng si Andrei ang deretsong sumagot sa kanya.

Mondragon Empire 1: Artemis' HuntTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon