"Let's go?"
Nagulat si Yana ng hawakan ni Andrei ang braso niya. Tila may dumaloy na kuryente mula sa daliri nito papasok sa katawan niya. Hindi maalala ni Yana kung paano silang napunta sa sitwasyong iyon. Ang alam niya ay pupunta dapat siya sa opisina ng Papá niya para mag-report sana dito ngunit nautusan siya ng mga kapatid niya na bumili ng pagkain.
Alam ni Yana na siya ang tipo ng taong hindi basta-basta mauutusan. Kaya ang pagpayag niya ngayon ay isang malaking katanungan na para sa kanya. Tahimik lamang silang naglalakad ni Andrei papunta sa basement. Doon kasi naka-park ang sasakyan na ginamit nilang magkakapatid kanina.
Iyon pa ang isang bumabagabag kay Yana. Naglakad siya papunta sa basement kasama ni Andrei imbes na maghintay na lang siya sa tapat ng opisina paglabas nito ng sasakyan nila. Nang tumikhim si Andrei ay wala sa sariling humarap siya dito. Sinenyasan siya nito na sumakay na sa sasakyan. Ipinagbukas pala siya nito ng pinto. Hindi rin niya namalayan na nakalapit at nakarating na sila sa tapat ng sasakyan nila.
Ano bang iniisip ko kanina? "Thank you," magalang na sagot niya sa binata bago mahinhin na umupo sa loob ng sasakyan. Naabutan siya nito na nagsusuot ng seatbelt ng makapasok ito, kaya naman nailang siya noong nagpaalam ito at mag-presenta na ito na ang magkakabit ng seatbelt niya.
"There," ngumiti ito sa kanya bago nag-seatbelt ng sarili. "Seat comfortably, Yana."
"I am comfortable."
"Said the woman who stopped her breathing while I was taking care of the belt. Yeah, I believe you." napanganga siya sa sinabi nito. Hindi siya makapaniwala na nakikipag-usap ito sa kanya na may halong sarkasmo.
Why is he watching me? And when did he have the right to use that tone in me? Ang kapal ng mukha!
"Anong pinagsasasabi mo?"
"Where are we going?"
"To the hotel." naiirita niyang sagot sa binata, "mag-check in tayo." Dahil naiinis siya kay Andrei, hindi na niya ito tinapunan ng tingin. She was offended. Naririnig niya kung paano ito makipag-usap sa mga kapatid niya. Ayaw niyang magkumpara pero he treated them well. With full respect. Tapos kapag siya ang kasama nito, ang gaspang ng ugali nito.
Buti sana kung babastusin mo ko sa paraang gusto ko.
Tinutok niya ang tingin sa labas para hindi makita nito na kinakabahan siya ngayong sila na lamang dalawa ang magkasama. Kahit naman gusto niya ito, hindi siya papayag na maghabol dito. Isa yata siyang Mondragon. Siya ang hinahabol, hindi siya ang hahabol.
Sa layo ng nilakbay ng isip ni Yana, huli na bago niya napansin na lumampas na sila sa restaurant na bibilhan nila ng pagkain. "Andrei!"
"Yes?"
"Lampas na tayo sa restaurant. Ano ka ba naman?" naiinis niyang sabi dito bago kinuha ang cellphone niya sa bag niya at tinignan ang oras. "Malapit na mag-lunch time. Baka magalit si Papá."
"It's not my fault. Tinanong kita kanina."
"Kung hindi mo pala alam kung saan tayo pupunta, bakit ka nag-drive ng nag-drive?"
"We are going to the hotel, right?" nakangisi nitong sabi na ikinalaki ng mata niya.
"Ho-hotel? Bakit tayo magpupunta ng hotel?"
"Sabi mo mag-check in tayo. I didn't know that you prefer a hotel room rather than your bed. The last time we did it, you love doing it on your bed."
"Shut up!" kahit hindi tumingin sa salamin ay alam ni Yana na namumula ang mukha niya dahil nag-iinit na iyon. At ang walang hiyang dahilan kung bakit siya namula ay nakangisi lamang na nagmamaneho sa tabi niya na parang walang pakialam.
Aasarin na sana siya muli ng binata kung hindi lamang tumunog ang telepono nito. Bigla itong pumormal at mabilis na pumindot sa manibela na hawak nito, "Yes, Ms. Mondragon?" wika nito na hindi niya alam kung sino dahil wala pa naman nagsasalita sa kabilang linya.
"Andrei, nakuha mo na ba 'yong pinadadaanan sa iyo ni Mamá?" napakunot ang noo niya ng marinig ang boses ni Hestia.
Paano niya nalaman na si Ate Ynez ang tumatawag?
"Naka-modify ang ringtone ko, Ms. Mondragon," bumulong ang binata sa tapat ng tainga niya. Inilapit nito ang mukha nito sa kanya na hindi inaalis ang tingin sa kalsada. "May sampung ringtone akong ginagamit na naka-save dito. Bawat isa sa inyo ay iba-iba ang ginagamit ko."
"Sampu?"
"Naihatid ko na po sa opisina ng Papá ninyo 'yong imbitasyon, Miss Ynez."
"Thank you! Mga anong oras ka babalik dito? Magpapahatid sana kami ng Mamá sa iyo."
"Hindi pwede," sabat niya sa usapan. "May pupuntahan kami."
"Yana?" nanlaki ang mata niya ng tawagin siya ng kapatid niya, "magkasama pala kayo ni Andrei."
"A-ano... i-inutusan kami ni Dom." hinampas niya ang braso ni Andrei at sinimangutan ito. "Bakit hindi mo sinabi na naka-bluetooth ka? Akala ko sa earphone mo lang kinakausap si Ate."
"You never asked," he smiled, and God knows how much she want to wipe off that smile from his face. Na-distract siya sa ngiti nito kaya naman kung saang kamunduhan na lumipad ang isipan niya.
She imagined herself cradling him, kissing him fully on the lips while grinding herself above his. Naiisip niya ang mahinang pagsabunot niya sa buhok nito habang nagpapakasasa ito sa dibdib niya. She wants him to leave his mark on her neck. Bigla siyang napaubo sa naisip. She was imagining lustful things in broad daylight with Andrei beside him!
"Stop!" What were you thinking, Yana? nawindang sa kalaswaan niya, nagulat siya ng ihinto ni Andrei ang sasakyan.
"Why?" seryosong tanong ni Andrei, kunot ang noong nakatitig sa kanya. "Is there something wrong?"
"Ah, n-nothing. Bilisan na natin bumili ng pagkain, please. We have to go back to the office now." naiilang niyang sabi.
Bakit naman kasi may pagtitig ang lalaking 'to? Kaya tuloy hindi ko mapigilan ang sarili ko. Kailan ko kaya matitikman ulit 'yong labi niya?
"Don't worry, Yana. We'll just pick up the food. Naka-order na si Athena kanina."
"What?! Why didn't you tell me sooner?"
"Maybe because I wanted to be with you longer?" pakiramdam ni Yana ay nahigop ng binata lahat ng oxygen niya. Hindi niya inaasahan ang sinabi nito. Napanganga tuloy siya. At sigurado siyang mukha siyang tanga ngayon sa reaksyon niya.
Damn you! Kinilig ako.
BINABASA MO ANG
Mondragon Empire 1: Artemis' Hunt
Romansa"Sino bang pinagmamalaki mo, Forrest? 'Yong babaeng 'yon. Hindi hamak naman na mas maganda ako doon. Mas sexy, mas mayaman. Hello! Mondragon na ang lumalapit sa iyo. What's not to like?" -·-·-·-·-·-·-·-·-·-·-·-·-·-·-·-·-·-·-·-·-·-·-·-·-·-·-·-·-·-·-·...