"You can now seat beside my bed. Walang magbabantay sa akin dito maliban sa iyo, katulad ng sabi ni Mamita." I looked at Theia when I heard her speak. Her eyer are closed pero sigurado akong siya ang nagsalita dahil dalawa lang naman kaming naiwan dito.
“Anong sinabi ng Lola mo, bakit ka biglang tumawa?” I asked, pero hindi man lang ito nagsalita. “Theia?”
“Ms. Mondragon, feeling better?” napako ako sa kinatatayuan ko ng mahigit sampung katao ang pumasok sa private suite ni Theia.
Seriously? For an allergy, 7 doctors and 5 nurses?
“I'm fine, Doc. How's my sister?” hindi pa rin ito nagmumulat ng mata. Ang mga doctor ay hindi rin lumalapit dito. Hindi naman siguro sila masasaktan ni Theia kung tulog siya, 'di ba? “Dr. Rodriguez, nararamdaman ko ang paghimas mo sa hita ko. Nakikita mo ba 'yang lalaki sa likuran mo? Isang pitik lang n'yan sa iyo, paglalamayan ka na bukas.”
What?! Paanong—
“Sorry, Ms. Mondragon. Hindi na po mauulit.”
“Pwede na ba kami mag-discharge bukas? I hate hospitals.” umupo si Theia na para bang hindi naka-suwero ang isang kamay nito. “Andrei, lumapit ka dito pagkatapos mong i-lock 'yong pinto paglabas nila.”
“Ms. Mondragon—”
“Please, ayaw ko ng special treatment. Allergy lang 'to. Treat emergency patients or whoever needs treatment. Hindi ko kailangan ng attentiveness ninyo.”
“Ms. Mondragon, you are under observation. Muntik na po kayo dahil sa pagkakalanghap lang ng bagay na allergic kayo. Hindi po namin kayo pwedeng pabayaan.”
“Hindi ba talaga o natatakot lang kayong ipasara ni Mamita ang ospital na 'to? Nandito naman si Andrei. He will call for help kapag kailangan namin ng tulong. Hindi ko naman pababayaan ang sarili ko ng ganoon lang.” she held my arm, pagtingin ko sa kanya parang nagmamakaawa siya sa akin na paalisin ko lahat ng doctor sa kwarto niya. Surprisingly, I obliged.
The power she holds. Ito ba ang isang hidden power ng Mondragon? Why do I feel like I was enchanted? Damn this girl.
“Finally! I can sleep in peace. Good night.” pagkarinig niyang na-lock ko na ang pinto ay dali dali siyang humiga. Tumakbo akong papalapit sa kanya. Nakita kong inaayos na niya ang unan niya at akmang mahihiga. “You can sleep there sa sofa. If you want, papakuha kita ng extra bed kung uncomfortable dyan.”
“Princess, we'll talk.”
“Don't call me Princess. You are not a part of our household. Outsider ka.” humikab siya na para bang hindi siya galing sa pagkakatulog. “Inaantok na ko, 'night.”
“Astraea Mondragon!”
“What!!!” naiinis siyang bumangon ulit. “Ano bang gusto mo bakit hindi mo ko patulugin na lang ng mahimbing.”
“Are you okay? You look startled when I called your name.”
“Naiirita ko sa 'yo, Forrest!” nanginginig ang mga bagang na nakatingin siya ng deretso sa mga mata ko. Kung kanina pakiramdam ko ay na-maligno ako sa mga tingin niya, ngayon naman nakaramdam ako ng kaba. To think that she's small compared to me, the anger in her eyes can ignite flames. Pakiramdam ko ako ang fuel na sisilaban niya ng buhay. “Don't call me that, Theia. Baka may makarinig sa iyo. I am Andrei to the Mondragons. Please don't blow my cover.”
“Not to me... and Mamita.”
“What do you mean?”
“Mamita knows you, Azcona. That's what you are asking me, 'di ba? What did she say that made me laugh? Your identity. She told me that she knows your parents and you were being tracked down now. Of all places, she didn't expect that you were just here inside my hospital room and looking out for the Mondragon witches.”
BINABASA MO ANG
Mondragon Empire 1: Artemis' Hunt
Romance"Sino bang pinagmamalaki mo, Forrest? 'Yong babaeng 'yon. Hindi hamak naman na mas maganda ako doon. Mas sexy, mas mayaman. Hello! Mondragon na ang lumalapit sa iyo. What's not to like?" -·-·-·-·-·-·-·-·-·-·-·-·-·-·-·-·-·-·-·-·-·-·-·-·-·-·-·-·-·-·-·...