"Ah, shit!" parang pinukpok ng sampung ulit ang ulo ko sa sobrang sakit. Wala akong maalala sa nangyari kagabi. Pakiramdam ko hapong-hapo ako at ang sakit ng katawan ko.
Aldrin.
Nahampas ko ang pisngi ko ng maalala si Aldrin. I make out with him last night. Tama! I was with Aldrin. We danced ang kissed all night.
Pero paano ako nakauwi dito? I look around one last time to confirm where am I. This is indeed my room. Ang kwarto ko sa mansyon. Kung nandito ako, ibig sabihin naiuwi ako ng taong pinasunod sa akin ng mga kapatid ko.
Scratching my face, biglang kumabog ang dibdib ko ng makita ko sa peripheral vision ko ang hulma ng isang tao. Nakaupo ito sa may couch malapit sa walk-in closet ko.
Paanong nagkaroon ng tao sa loob ng kwarto ko maliban sa akin? Hindi napasok ang mga maids namin sa kwarto ko dahil ayaw ko na may malapit sa akin na kahit sino. Maliban na lang kung ako mismo ang lumalapit sa kanila, na isa sa pinakamalaking milagro, at hindi iyon madalas mangyari. Sa bihirang pagkakataon, tanging ang mga lalaking nakaka-make out ko lang ang nakakalapit sa akin. Partida pa 'yon, ako pa ang unang mag-aapproach sa kanila.
Syempre, Mondragon ako! I choose my men.
"How are you feeling?" dumagundong ang boses ng taong nakaupo sa couch. Nahila ko paangat ang kumot sa katawan ko. Lalaki ang nasa loob ng kwarto ko!
"Who the fuck are you?"
"Para kanina lang ang sabi mo sa akin I should fuck you?" maririnig mo ang nakaka-insultong pagbabago ng tono ng boses nito. Shit! Sino ba 'to?
"Dream on, Aldrin! Making out with you doesn't mean I like you. One night lang 'yon. You're not even my type." napasinghap ako ng hablutin niya ang kumot na nakabalot sa katawan ko. Ang lapit lapit ng mukha niya. Hindi ko maaninag kung sino ba siyang hayop siya.
Ang bango! Amoy mint chocolate. Napatakip ako ng bibig ng makita kong unti-unti niyang nilalapit ang mukha niya sa akin. "Puta ka! Lumayo ka sa akin."
"Sure? Kani-kanina lang ayaw mo na bumitaw sa akin."
"Andrei?" nag-init ang mukha ko ng matitigan kung sino ang lalaking kaharap ko. Hindi ako makahinga. Isang maling galaw ko lang ay didikit na ang mga labi ko sa mga labi niya.
Lasang mint chocolate din ba labi mo? Amoy mint chocolate, eh. Kahit hindi ako mahilig sa mint, pwede na, matikman ko lang... este mahalikan ka lang. Shit! Mali pa rin.
“So, you want to kiss me again?”
“Excuse me?!” nanlaki ang mga mata ko ng malanghap ko ang hininga ni Andrei. Ang bango talaga, shit. “Ang kapal ng mukha mo?”
“Hindi mo ba maalala kung anong ginawa mo sa akin, Artemis Dayana?”
Hindi pa ko nakakasagot sa tanong niya ng sabay kaming napalingon sa bumukas kong pintuan. Dere-deretsong pumasok ang napakagaling kong kapatid na si Athena.
Bwisit ka! MOMOL na, naging bato pa.
“Nakainom na ba siya ng hangover pills niya, Andrei?” chineck nito ang side table sa gilid ng kama ko at nangunot ang noo ng makitang hindi man lang nabawasan kahit katiting ang baso ko ng tubig. “Yana, inuman mo na agad ng gamot 'yong hangover mo para makapasok ka sa opisina mamaya.”
“What? No way! Go to hell, Dom.”
“Alam kong mas matanda ka sa akin pero responsibilidad ko pa rin na bantayan kayong mga kapatid ko at tignan kung anong ginagawa niyo sa buhay niyo.” ang cold. Si Elsa ka, sis? “Papasok ka sa ME mamaya sa ayaw at sa gusto mo.”
![](https://img.wattpad.com/cover/272582940-288-k651734.jpg)
BINABASA MO ANG
Mondragon Empire 1: Artemis' Hunt
Romance"Sino bang pinagmamalaki mo, Forrest? 'Yong babaeng 'yon. Hindi hamak naman na mas maganda ako doon. Mas sexy, mas mayaman. Hello! Mondragon na ang lumalapit sa iyo. What's not to like?" -·-·-·-·-·-·-·-·-·-·-·-·-·-·-·-·-·-·-·-·-·-·-·-·-·-·-·-·-·-·-·...