Chapter 14

87 3 0
                                    

"Ate Kalli, pahatid naman si Ate Mari sa kwarto niya." napatingin ako kay Theia ng isa-isa niyang inutusan ang mga kapatid niya na ihatid ang isa't-isa. Hanggang sa naiwan na lang ay kaming tatlo nila Yana.

"Paano 'to?" tanong ko kay Theia habang nakaturo sa tulog na Yana sa likuran ng sasakyan nito. Hindi ko alam kung gaano karami ang nainom ni Yana. Pagbalik namin ni Theia sa counter kung saan nakapwesto ang mga ito ay tinutukso na kami ng mga kapatid niya at ni Theus... maliban kanila Yana at Nox na nasa magkabilang dulo at parehong nagpapakalunod sa alak.

"Anong paano, eh 'di buhatin mo?"

"What?"

"Sino gusto mong bumuhat, ako?" mabilis na pumasok si Theia sa sasakyan kaya naman nagmamadali akong sumakay din sa tabi nito. "O, anong ginagawa mo dyan? Dalhin mo na si Arte sa kwarto niya."

"Astraea, I'll go with you."

"Bugok ka ba? Magpa-park lang ako, sasama ka. Labas! Inaantok na ko."

"Ako na lang magpa-park, samahan mo ko." pinagsalikop ko pa ang aking mga kamay para magmakaawa.

"Para kang tanga, Forrest! Para naman hindi ka pa nakakapasok sa kwarto ni Yana," reklamo ni Theia na nagsuot pa rin ng seatbelt at binuksan ang sasakyan. "Bilisan mo na. Naiinis na ko!"

"Please," ayaw ko lang naman maiwan kaming dalawa ni Yana.

"Punyeta, oo na. Bwisit ka! Buti na lang wala kaming pasok bukas." nakahinga ako ng maluwag ng i-lock ni Theia ang sasakyan at sinimulang i-drive ang kotse nito papasok sa garahe.

Sorry! I just don't want to be with you alone when you are looking like that.

Nakatitig siya kay Yana habang iniisip ang mga salitang iyon. If only she could hear his thoughts. If only he could tell her how he feel.

Fuck this Mondragons!

I can hear them.

Gusto kong tumayo. Gusto ko silang layasan at umalis sa sasakyan ni Theia dahil pakiramdam ko ay sasabog na ko sa sobrang sakit ng mga naririnig ko. Ganoon niya ba ko hindi kagusto? Ganoon ba siya ka-walang pakialam sa akin? Gusto kong magalit. Gusto ko silang sigawan at awayin pero anong karapatan ko? Hindi naman kami magkaano-ano. Simula pa lang ay sinabi na niyang mas gusto niya ang kapatid ko. Nakakagago lang kasi umasa ako. Umasa ako na iba na 'yong tingin niya sa akin dahil sa nangyari sa amin.

He kissed me. He fucking kissed me. We make out. In the car, in my room, in that fucking bar where he lead my sisters to dance with him. He asked them to dance with him, all of them, except me. And when he fucking looked at them, I swear, nagdidilim 'yong paningin ko at feeling ko gusto kong kalmutin ang mga mukha ng mga kapatid ko. I don't know why but I feel like I was the ugliest when he took them to dance. I was never asked, I was treated invincible. At kahit sa malayo, I can see how special he looked at Theia.

Nabubulag na yata ako. Nabubulag na ko ng nararamdaman ko. Akala ko noong una ay na-challenge lang ako dahil hindi niya ko gusto. Akala ko makukuha ko siya kapag nilandi ko siya at mahalikan niya ko. Ibinigay ko lahat but all he can see was her.

Tang ina! What's making me more mad is I don't see any difference when I am looking at my sister. For fuck's sake, we are identical. Iisa lang mukha namin. Iisa lang pinanggalingan namin. Iisa lang tinitirhan namin. We share everything. Pero bakit siya lang ang nakikita ng lalaking gusto ko.

Nasamid ako. Nakita ko pa ang sabay na paglingon ng dalawang tao na nakaupo sa harap ko ngayon. Nagtinginan pa sila at sabay na nagkibit-balikat sa pagkakasamid ko. Nakahinga ako ng hindi nila ko pinansin. Ayaw ko sanang malaman nila na naririnig ko sila. Ayaw kong malaman nila na alam ko kung ano ang sinasabi nila. Di bale na magpanggap akong tulog at masaktan ng tahimik mag-isa. Ayaw kong bigyan sila ng pagkakataon na mas masaktan ako kung talagang gusto nila ang isa't-isa.

Gusto kong sampalin ang sarili ko ng makita ko ang lungkot sa mga mata niya noong nakita niya kong may kahalikan na iba. I was drunk, okay? I used to kiss men and make out with them without feeling guilty. But when I looked at him, all I see was regret. Hindi ko naman ginusto at hindi ko alam ang nagawa ko.

Yana, hindi naman kayo! Oo nga pala, hindi naman kami. Bakit ko kailangan ma-guilty sa nagawa ko kung hindi naman kami? He can be with whoever he wants, tapos ako hindi pwede?

Mas diniinan ko ang pagpikit ng huminto ang sasakyan ni Theia at bumukas ang pinto sa tabi ko. Naramdaman kong binuhat ako ni Andrei at marahan naglakad habang dala niya ako.

Naramdaman ko ang pangingilid ng mga luha ko ng dahan dahan niya akong ibaba sa malambot na bagay. Base sa amoy na nalalanghap ko, dinala niya ako sa kwarto ko. Maliban sa mahihinang yabag ng paa nila ni Theia, may isa pa akong naririnig. Ang patag na paghinga ng lalaking mahal ko. Dahil pinipilit ko ang sarili ko na huwag magpahalatang gising at dumilat, paulit-ulit kong sinasabi sa isip ko na mag-focus ako. Hindi ko naiintindihan kung ano ang pinagbubulungan nila ni Theia. Gustuhin ko mang marinig ay hindi ako pwedeng magpahalatang gising.

"Lah you—" sabi ni Andrei habang nakadikit ang mga labi sa noo ko. Iyon lang ang narinig ko sa dami ng sinasabi nila kanina ngunit hindi ko pa masyadong maintindihan. Bahagya kong idinilat ang mata ko ngunit ang nakatalikod na pigura na ni Andrei ang nakita ko. Walang Theia, walang Athena, walang iba. Ako at siya lang ang nasa kwarto ko.

Nag-iimagine lang ba akong kasama namin si Theia? Pero naririnig ko na bumubulong siya, ah? Hindi na ko nakakuha pa ng kasagutan sa mga tanong ko ng bigla akong dalawin ng antok.

Mondragon Empire 1: Artemis' HuntTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon