Chapter 18

96 4 0
                                    

Inis na inis si Yana ng malaman niya na sa Mt. Ulap siya dinala ni Andrei. Aaminin niya, nag-expect siya noong sinabi nito na aalis sila. Akala niya kasi date 'yon. Nag-dress pa naman siya.

"Aakyat tayo ng bundok? Joke ba 'to?" pagtataray niya dito ng tanungin siya nito kung okay lang ito.

"I know you will not like this activity, you might curse me all morning but I promise, the view will be worth it."

"Kaya naman pala gabi pa lang nagyayaya ka na bumiyahe. Ang haba pala kasi road trip natin. Malay ko bang sa Benguet mo ko dadalhin?" naiikot niya ang mata na ikinatawa naman ni Andrei. "masusunog balat ko dito, aakyat tayo ng bundok? Ma-eexpose ako masyado sa araw."

"I brought you clothes and sunscreen. I asked Theia to prepare this for you. Don't worry, these are all new, exclusively yours."

Sana ikaw din, exclusively mine. "Talaga lang, ah? Baka naman sa ukay mo lang ito binili?"

"Branded yan, ma'am. Wala kasi akong makita na gamit mo pero walang pangalan. Even your toothbrush."

"Mondragon ako, eh. Anong tingin mo sa akin, mahirap?"

Nakasimangot niyang inabot ang dri-fit shirt at jogging pants na ibinigay nito. Nakataas ang isang kilay, tinanong niya si Andrei kung anong gagawin niya doon, "so paano ako magbibihis, aber?"

"Here."

"Here?!"

"I'll go out to give you privacy."

"Joke ba 'to?" kung kanina ay medyo naiinis lang si Yana, ngayon... nagagalit na siya. Sino bang may gusto na magpalit sa sasakyan? Sabihin lang sa kanya kung sino makikipagpalit talaga siya ng pwesto. "Wala ba talagang pwedeng puntahan dito na place? Kahit public restroom na, sige."

"The restroom here is not suitable for your taste, Yana. Malayo pa ang maayos na restroom dito. Doon pa banda malapit sa Mt. Ulap."

"So, bakit hindi tayo doon magpunta?"

"Walang parking space."

"Labas," sumusukong pagpapaalis niya kay Andrei. As if naman na may choice siya. Mukhang lahat ng sasabihin niya ay may sagot ito sa kanya. Tahimik naman itong sumunod sa kanya at lumabas ng sasakyan. Malikot ang mga mata, sinilip pa ni Yana kung hindi ito sumisilip sa kanya at kung may iba pang tao sa paligid. Mahirap na, baka mabosohan siya.

Para naman hindi pa niya nakita 'tong katawan ko.

"Oo nga pala," mabilis niyang inangat ang sarili sa pagkakaupo para maisuot ang jogging pants na inabot nito. Masyado iyong maluwag at malaki sa kanya kaya sigurado siyang hindi iyon kay Theia. Biglang napakunot ang noo niya, "akala ko ba bago ito? Bakit mas malaki sa akin?"

Gusto niyang magdabog sa inis. Ano bang tingin nito sa kanya? At gaano karaming babae na ba ang nakasama nito para malito ito sa sukat niya?

Habang patuloy na pinapatay si Andrei sa kanyang isipan, hinubad na ni Yana ang suot na dress para ipalit ang shirt na kasama ng ibinigay nito sa kanya. Isang braso pa lang niya ang naisusuksok niya ng bumukas ang pintuan ng sasakyan at pumasok si Andrei. Automatiko ang pagtakip ni Yana sa kanyang katawan. Inipit niya ang shirt sa may dibdib niya at sinimangutan ang lalaki.

"Bakit basta-basta ka na lang pumasok? Sana sinabi mo sa akin na papasok ka para nagmadali ako."

"May tao, bilis." Iyon lang ang sinagot nito sa pagtataray niya. Nakalimutan niya tuloy na naiinis siya dito. Mabilis niyang isinuot ang damit at binato ang pinaghubaran niya sa likod ng sasakyan. Nilingon lang iyon ni Andrei bago tumingin sa kanya. "Done?"

Mondragon Empire 1: Artemis' HuntTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon