Sa nakalipas na mga buwan, naging abala si Yana sa Mondragon Empire. Inubos niya ang oras sa paglunod ng sarili sa trabaho. Noong una nga ay inaasar na siya ng mga kapatid niya dahil nadaig na niya si Athena sa pagiging workaholic niya. Binubuhos niya sa bawat proyekto na mahahawakan ng grupo niya ang buong pagkatao niya. From planning to drafting, management hanggang sa meeting ay talagang todo-bigay siya. Pabibo na nga ang tawag sa kanya ng mga kapatid niya pero wala siyang pakialam.
She's like a new Yana. Artemis Dayana 2.0, the better and achiever Yana Mondragon. At hindi lang ang mga tao sa paligid niya ang sumaya sa pagbabago niya. Nakuha niya pa ang approval ng kanyang Papá.
"I don't know what happened to you, but I am really pleased with all these changes, Artemis Dayana. I am so proud of what you have become. Keep it up!" sabi ng Papá niya minsang matapos siya sa isang presentation na hinanda ng team niya kasama sina Arch. Jep at Engr. Jex.
Napangiti siya sa alaalang iyon. Dahil kasabay ng pagbabago niya ang isang mapait na karanasan na siyang nagdulot kung bakit siya naging ganito ngayon. All because of a man. All because of their driver, the infamous Andrei Azcona.
Napahinga siya ng malalim ng maisip ang lalaking unang nagparamdam sa kanya ng sakit sa dibdib. She's too proud to admit that she fell in love with him. At kahit ilang beses na siyang bumigay sa mga halik ng lalaki, hindi hinayaan ni Yana na sabihin ng mga labi niya ang katagang magpapatunay ng nararamdaman niya para dito.
"He promised me that he will come back," pagkausap niya sa sarili habang tinitignan ang repleksyon niya sa malaking salamin na nasa harap niya. "5 months later... voila! Wala na siya. Naglaho na, parang bula."
Kahit naman nakaramdam siya ng sakit sa pag-alis nito, napansin naman ni Yana ang lahat ng magandang naidulot ng paglayo nito sa kanya. Sa katunayan, halos lahat yata ng nangyari sa kanya nitong nakaraang limang buwan ay puro maganda. Promotion, Salary Increase, palaging narampa sa field at sandamakmak na trabaho. At least, hindi siya nagkakaroon ng pagkakataon na isipin si Andrei at ang pag-iiwan nito sa kanya. Iyon nga lang, limang buwan na rin niyang hindi nakakasama ang mga kaibigan niya.
Naputol ang pagmumuni-muni ni Yana ng marinig ang pagtunog ng telepono niya. Speaking of the witches, "What, Kaela?"
"Wala man lang bang pa-hello dyan, Miss Mondragon?"
"Hi, Yana! Miss you." napangiwi siya ng marinig ang boses ni Ellaize sa kabilang linya.
"Kadiri ka, Ellaize! Hindi kita namiss."
"Pero namiss mo ang alak, aminin."
"Y-yeah," napangiti niyang sabi. Sa totoo lang, hindi man ganoon ka-expressive, alam ni Yana na namiss niya rin naman ang mga kaibigan niya. Maliban sa mga kapatid, ang mga ito ang dugo sa buhay ni Yana. Kahit palagi niyang sinisinghalan at tinatarayan ang mga ito, hindi siya iniwan nina Ellaize at Kaela noong panahong kailangan niya ng kaibigan na dadamay sa mga kaartehan niya sa buhay niya. "Parang gusto ko tuloy uminom."
"Baka naman pwede ka na sumama sa amin ngayon?" tanong ni Kaela sa kanya, nai-imagine na niya ang pagtaas baba ng kilay nito habang nakangisi kay Ellaize. Alam nito na madali siyang makukumbinsi basta alak ang usapan. "Matagal na rin naman hindi nasasayaran ng alak ang lalamunan mo."
"May meeting ako bukas—"
"Chill lang tayo, Yana. Hang out lang, walang walwal."
"Kilala ko kayo, mga gaga. Walang chill na inuman sa inyo. Puro kayo maharot!" natatawang sabi niya habang inaalala ang mga itsura ng mga ito habang nakikipagharutan sa kung sinu-sino tuwing nasa bar sila.
"Grabe, Yana, nagbago ka na talaga." kunwari ay nagtatampong sabi ni Kaela, "hindi na ikaw ang Yana na kilala namin."
"Si Yana, palaban. Walang inaatrasan. Maski inuman o halikan, MOMOL na MOMOL 'yan," sagot naman ni Ellaize.
BINABASA MO ANG
Mondragon Empire 1: Artemis' Hunt
Romance"Sino bang pinagmamalaki mo, Forrest? 'Yong babaeng 'yon. Hindi hamak naman na mas maganda ako doon. Mas sexy, mas mayaman. Hello! Mondragon na ang lumalapit sa iyo. What's not to like?" -·-·-·-·-·-·-·-·-·-·-·-·-·-·-·-·-·-·-·-·-·-·-·-·-·-·-·-·-·-·-·...