Pangisi-ngisi lang si Forrest habang nakikinig sa usapan ng kaibigang sina Theus at Nox. Panay ang reklamo ng mga ito sa buhay ng mga ito na para bang nahirapan ang mga ito sa buhay simula pagkabata. Mabilis niyang tinungga ang alak na nilapag ni Theus sa harap niya bago inikot ang paningin sa loob ng Fire In Ice.
"So, you are living together now? May nangyari na ba sa inyo?"
"Shut up-"
"What? I'm curious. How is she in the house? In-"
"Wala kang maririnig sa akin, Prometheus Alcantara!"
"Forrest!" sabay sabay silang napatingin sa babaeng humahangos papalapit sa kanya. Nang makalapit ito ay bumeso ito sa kanya at nakangiting bumati rin sa mga kaibigan niya, "nakausap mo na ba ang parents mo?"
"Not yet." simpleng sagot niya.
"Let's talk to them together para hindi ka na mahirapan magpaliwanag sa kanila."
"Why are you doing this, Reign?" tanong ni Theus sa babae na halata sa mukha na hindi makapaniwala sa inaasal nito. "Anong kapalit ng pagtulong mo kay Forrest?"
"Nothing," nakataas ang kilay na sagot naman ng babae. "Hindi ba pwede na gusto ko lang talaga siyang tulungan na makaalis sa kasunduan na hindi naman niya gusto?"
"Pero gusto mo siya?" deretsahang tanong ni Nox.
"Yes, I like him." napakunot ang noo niya sa sinabi nito. "Oo, Forrest, gusto kita. I like you but I won't force myself on you. Hindi kita pipilitin na makipag-kasundo sa akin na hindi mo ko gusto. I know my worth."
"Too bad he is in love with someone else, Reign." wika ni Nox na tila walang pakialam sa nararamdaman ng babae.
Bitawan mo ko, Ellaize! Umalis ka dyan.
"Is that Yana Mondragon?" malungkot na napangiti siya ng makita hindi kalayuan si Yana. She was there, sitting two tables across from him, shouting her heart out. Drunk and Wasted.
"Forrest! Ano pang hinihintay mo?" tanong ni Theus bago hinampas ang balikat niya palayo sa bar. "Get your girl!"
Nagpalipat-lipat ang tingin niya sa mga katabi. Si Theus ay pilit siyang inuudyukan na puntahan si Yana. Si Nox naman ay walang pakialam sa mundo. Samantala si Reign ay may ngiti sa mga labi na hindi naman umabot sa mga mata nito.
Bago ba magbago ang isip ay mabilis na tumayo na si Forrest at tinawid ang distansya nila ni Yana. Mas nanaig ang pagka-miss niya dito. Kahit ngayon lang, pagbibigyan niya ang sarili. Uunahin niya muna ang kanyang sarili.
"Hindi niyo alam ang pakiramdam ng iniwanan. Bitawan mo ko, Ellaize! Umalis ka dyan, iinom pa ko!"
Napalunok si Forrest sa itsura ni Yana. The typical Artemis Mondragon. Classy and sophisticated kahit wasted. Gulo gulo na ang buhok nitong umabot lang hanggang sa ibabaw ng balikat nito. Maganda pa rin ito sa paningin niya kahit na umiksi ang buhok nito mula nung huli niya itong nakita.
"Yana, may meeting ka bukas. Umuwi na tayo. Mayayari pa kami ni Kaela sa mga kapatid mo, eh. Baka sabihin ng mga kapatid mo bad influence kami sa iyo."
"Wala akong pakialam. Let's get drunk, wooh!" magsasalita pa sana ang kaibigan nitong si Ellaize ng sabay siyang nalingunan nito at ng isa pa nilang kaibigan na si Kaela.
"Andrei?"
"Forrest Azcona? Are you really the Forrest Azcona?"
Tumango lang siya sa mga ito. Tahimik siyang tumabi kay Yana at pinanood ito habang patuloy ito sa pag-inom ng iba't-ibang klase ng alak sa harap nito.
"Hi," mahinang bati niya sa dalaga na gustong-gusto na niyang ikulong sa mga bisig niya.
"Not interested," mataray na sagot nito na hindi man lang siya tinapunan ng tingin.
I missed you. "Can I take you out on a date?"
"Hindi kita gusto."
"Ako, gusto kita."
"You are not Andrei."
Mahina siyang tumawa bago sumagot kay Yana, "Last time I checked, I am still Andrei, miss. My full name is Forrest Andrei Azcona."
"But you are not my Andrei." lumabi pa ito bago hinilamos ang dalawang kamay sa namumulang mukha nito. Pulang-pula na ito sa dami ng nainom nito. "Shit ka, Andrei! Ang kapal ng mukha mong iwanan ako."
"Nandito na nga ako. I will take you back now."
"Take you back, take you back... ulol!" itinulak siya nito at nagmamadaling makalayo sa kanya. Mabuti na lang at naging maagap siya dahil nabuwal ito at muntik ng matumba. Nang masalo niya si Yana ay malakas na humiyaw si Theus na nakaakbay sa ubod ng seryosong si Nox. Nakatayo ang mga kaibigan niya sa tabi ng mga kaibigan ni Yana, na masama naman ang pagkakatingin kay Reign.
"Let's get you home, Yana."
"I don't wanna go home. Leave me alone!" nagpupumiglas ito sa yakap niya. "I don't talk to strangers. Shoo!"
"Pwede bang ikaw na maghatid sa kanya, Andrei?" pilit na itinatago ni Ellaize ang ngiti nito sa kanya, parang nakahanap ito ng sasalo sa problema nito.
"Yeah, I'm sure the Mondragons won't mind that it'll be you who will escort Yana home." pangungumbinsi naman ni Kaela sa kanya.
As if I'll have a choice, "I'll take her. You two can go."
"Inom pa tayo. Shot!" sigaw ni Yana na nanlalambot naman ang mga tuhod at hindi man lang makatayo ng ayos. Kung hindi pa nga siguro niya hawak ito ay bumagsak na ito kanina pa.
"We will talk, babe. Stand up."
"I can't," muling lumabi ito at ipinaikot ang mga kamay sa batok niya, "can you carry me?"
Walang pag-aatubili naman niyang binuhat ito. Narinig niya ang pagsinghap ng mga kaibigan nito. Maging si Reign ay hindi makapaniwala sa ginagawa niya. Pilit na iniiwas nito ang tingin sa kanila ni Yana.
"I can take Yana home. I have to fetch Theia." paalam ni Nox sa kanila bago humakbang papalapit sa kanya. Akmang kukunin nito si Yana sa mga bisig niya kaya naman mabilis niyang iniiwas ang katawan ng dalaga dito.
"Take care of your girl. You don't have to take mine." nagkibit-balikat lang ito at naglakad na palabas ng bar.
Ilang saglit lang ay nagpaalam na rin siya sa mga kaharap para maiuwi na si Yana sa bahay nito. Hindi pa siya nakakalayo ay nagpahabol agad ng paalala ang kaibigang si Theus.
"Stay protected, buddy!"
"Gago," inismiran niya ito at tuluyan ng nilayasan ang mga ito. Malalim na buntong-hininga ang pinakawalan niya ng makarating sila ni Yana sa sasakyan niya. Hindi na niya namalayan kung kailan nakatulog ito. Ang mahalaga, tahimik na ito at payapang natutulog sa tabi niya.
"I'll never let you go, Yana. I'm back for good." magaan niyang hinalikan ang noo nito, "I'm back for you." bulong niya bago pinaharurot ang sasakyan niya.
BINABASA MO ANG
Mondragon Empire 1: Artemis' Hunt
Romance"Sino bang pinagmamalaki mo, Forrest? 'Yong babaeng 'yon. Hindi hamak naman na mas maganda ako doon. Mas sexy, mas mayaman. Hello! Mondragon na ang lumalapit sa iyo. What's not to like?" -·-·-·-·-·-·-·-·-·-·-·-·-·-·-·-·-·-·-·-·-·-·-·-·-·-·-·-·-·-·-·...