Prologue

993 29 8
                                    

"You may now kiss the bride." The priest gladly announced.

"I love you mahal ko, my angel... Finally you are mine now. We're officially married." Paos ang boses na sambit ni Franco bago hinalikan ang pinakamamahal niyang asawa.

"I love you more mahal. Napakasuwerte ko na ikaw ang napangasawa ko." Malambing na anas nito.

"Damn can't wait to finish the reception."  Angil niya.

"Sira, nasa simbahan pa lang tayo mister." Nginisihan siya nito na tila inaasar. Nalukot naman ang mukha niya pagkuway ngumiti. He can wait.

Mahigpit niya itong niyakap bago muling siniil ng halik sa labi. Nagpalakpakan naman ang mga tao sa simbahan. Naghiyawan naman ang mga kaibigan niya na saksi sa pag-iisang dibdib nila.

Gustong hilahin ni Franco ang oras para masolo ang asawa. Finally after few hours of waiting ay nasolo niya rin ito.

They had their honeymoon sa isang resort sa bantangas kung saan doon din ginanap ang reception ng wedding nila.

His family and friends ay naiwan kasama nila pero meron itong mga sariling kuwarto. They occupied the biggest suite.

"Finally nasolo din kita." Aniya sa asawa and hugged her from behind. Naamoy niya ang sweet scent nito. "It's so unfair." Aniya.

Humarap ito sa kanya. "Unfair? Ang alin?" Nakanguso ito.

"You still smell good kahit buong araw tayong nasa labas. Why is that? Hmmm?"

"Bolero, nanlalagkit na nga ang pakiramdam ko. Ang mabuti pa mauna ka ng maligo." Anito sa kanya.

"Wanna join me?" Nang-aakit na saad niya.

Pinamulahan ito ng mukha. "Mahal!" Nagkulay kamatis na ito. She looks so cute. Natawa siya sa reaksiyon nito.

"Alright, alright. I'll be quick." Kinindatan niya ito. "Be ready." He grinned.

Kinurot siya nito sa tagiliran. Napangiwi naman siya. "Sadista ka talaga mahal." Napanguso siya.

"Pero mahal mo?"

His face softened, he cupped her face and kissed her gently.

"Sobra, mahal na mahal." He said huskily.

"Mahal na mahal din kita." She caress his face.

Hinalikan niya ulit ito at pumasok ng banyo. This will be their first time. Kahit naging magnobya pa sila noon ay hindi siya nagtake advantage dito. Kontento na siya na mahalikan ito. Though kahit minsan ay nakakalimot siya at lumalagpas sa halik. Mataas ang respeto niya dito. Ganoon niya ito kamahal.

Malawak ang ngiti niya ng lumabas siya ng banyo. Agad na hinanap ng mga mata niya ang asawa pero hindi niya makita.

"Mahal?" He called her.

Sumilip siya sa closet wala ito doon. He checked the terrace pero wala din ito doon. Nagsimula siyang kabahan. Ang ngiti niya ay nawala at napalitan ng pag-aalala dito.

"Mahal?" Muling tawag niya. Pero walang sagot.

Nilibot niya ang buong suite pero wala talaga.

Damn!

He called the reception baka sakaling lumabas ang asawa pero hindi daw nito nakita. Itatawag daw sa kanya kung sakaling makita ito.

No! No! No!

Hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman. He felt nervous. Nagbihis siya at tinungo ang room ng mga kaibigan niya.  Sunod-sunod ang katok niya.

"Hey, what are you doing here? It's your honeymoon—"

"My wife is missing." He cut Smith off.

"W—what?" Tila naguguluhan ito.

"Nawawala ang asawa ko, damn it!" Umusbong ang galit sa dibdib niya.

Doon na nagsisulputan ang si Thamuz, Ethan at Clint.

Pinapasok siya nito at pinaliwanag niya ang nangyari. Nagtaka din ang mga ito.

"We'll find her." Ani Thamuz sa kanya.

"Kung kailangang halughugin natin ang buong resort gagawin namin." Ani Clint.

"Thank you guys. Kakausapin ko muna ang sila dad." mabigat ang dibdib na saad niya.

Nang malaman ng daddy niya at mommy niya ay labis itong nag-alaala. Nais nitong tumawag ng police pero inawat niya dahil wala pang 24 hours at nagbabakasakaling makikita rin ito.

But two years have passed hindi pa rin ito nakikita. Parang itong bulang naglaho.

Nasaan kana ba mahal ko?

LadySpitfire
—June 08, 2021—

Hope na subaybayan niyo ang story ni Franco at Kris Angelique. Salamat sa walang sawang suporta. ❤

Xoxo 😘😘😘


Forgotten Love (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon