IKILY 5

2 1 0
                                    

YANIE

Nagising ako dito sa Maid's Room kung saan natutulog sila mama.

Masakit parin ang ulo ko.napatayo ako sa pagkakahiga ng marinig aang mga boses nila sa labas.

Pumunta ako sa kitchen at nadatnan sila mama doon.

"Hindi ba't sinabi ko sayo na awatin mo si Pia pag ganong may umaaway sakanya?"

Inawat ko naman eh.Pia Geraldine Chew,galing sa mayamang pamilya.

May Dinner ang parents niya dito sa bahay ng mg Hummington at siyempre nandito din siya.

Kasalukuyan silang kumakain ngayon pero rinig ko ang galit na boses ni Mr.Chew,Daddy ni Pia.

Pinapagalitan niya si Chandler dahil dapat daw ay nasa tabi lang siya ni Pia.

Masama ding nakatingin ang Mommy ni Chandler sakanya.sikretong sumisilip kasi ako sakanila.

Hinila ako ni Mama papunta sakanila.alam ko na kung ano ang mangyayari.

"Pasensiya na po kayo.inamin na ni Yanie na siya ang nagsimula ng gulo." tapos ang next ay hihingi ako ng sorry.

Siniko ako ni mama.sabi na eh gusto niya akong humingi ng tawad.kaya ginawa ko.

Pinagtaasan pa ako ng kilay ng Mommy ni Chandler ganon din ang Daddy ni Pia.

Hinila ako pabalik ni mama sa Kitchen.hindi ito ang unang beses na mangyari to.

"Alam mo naman na malaki ang utang natin sa mga Hummington.kaya gawin mo nalang ang mga sinabi ko sayo."

Gusto niya akong umamin sa School na ako ang nagumpisa ng gulo.

Dating may maliit na Resto ang Pamilya ko noon.Sa mga Hummington ang Building kung nasaan ng Resto namin .ibig sabihin inuupahan lang namin yung Building na yun.

Pero hindi kami nakapagbayad ng ilang Buwan dahil na Stroke si Papa.sila din ang nag bayad ng pang Ospital niya noon.

Sila din ang dahilan kung bakit ako nag aaral ngayon sa Ravena Academy.

Kaya bilang bayad sa mga ginawa nila kailangan ni mama mag trabaho sakanila ng walang bayad.

Meron ding Times kailangan kong pagtakpan ang mga pinag-gagawa nilang dalawa.

Kagaya ngayon,ako na naman ang may kasalanan kahit hindi naman.

"Girlfriend siya ni Chandler.kaya bantayan mo din siya at gawin mo ang mga gusto niya."

Tumango nalang ako kay mama.natapos sila at umuwi na ang mga Chew.umakyat naman ako sa kuwarto ni Chandler pero wala siya doon.

Hindi ko napigilan ang pag luha ko.wala naman akong magagawa.gagawin ko lahat ng gusto nila hanggang mabayaran na namin ang utang namin sakanila.

Lumabas si Chandler mula sa banyo kaya dali-dali kong pinunasan ang mga luha ko.

"May ipag uutos ka pa ba?"

Dahil wala naman akong nakuhang sagot umalis nalang ako.tumalikod ako at pinihit ang Door knob pero naramdaman ko ang paglapit niya.

Nakita kong may kinuha siya sa drawer at ibinato yun saakin.isa yung panyo.

"Ang pangit mo umiyak....sabagay kahit hindi ka umiyak pangit ka parin."

Batukan ko to eh.batukan ko kayo ng Girlfriend mong Plastik.mag jowa lang naman sila pag kaharap nila parents nila eh.

Umuwi akong luhaan.iniyak ko lahat sa bahay.kahit ganito,malaki ang pasasalamat ko sa pamilya ni Chandler dahil sa tulong nila saamin.

Pero grabe yung sakit.sarili ko pang nanay nagsasabi saakin na akuhin ko lahat ng mga kasalan nila.

Itinulog ko nalang dahil bukas panibagong sakit na naman ang mararamdaman ko.

I know I Love youWhere stories live. Discover now