YANIE
Nakabalik na ako ng School after 3 days na Suspension.kasalukuyan akong nandito sa Classroom.
"Nerd!" tawag saakin ng bwisit na nilalang sa harap ko.
"Hmm?"
Hindi siya nagsalita kaya napa tingin ako sakanya.ano na naman bang problema nito?.napaka seryoso na naman ng mukha.
"Pumunta ako sa Bahay niyo last night." e bakit parang galit?
"Oh?" walang buhay na sagot ko.bumalik ako sa ginagawa.
Hiniram ko kanina yung Notebook ni Tamiah para kopyahin ang mga pinag aralan nila nung na Suspended ako.
Napabuntong hininga ang lalaking nasa harap ko.kaya muli akong tumingin sakanya.
"May sasabihin sana si Mom sa Mama mo kaso nakalimutan niya ang Cellphone niya kaya pumunta nalang ako sa Bahay niyo."
May importante kayang sasabihin mommy ni Chandler,siguro oo kasi hindi naman pupunta si Chandler sa bahay kung Hindi importante kasi puwede namang sabihin kinabukasan.
"Galet ka?" naka taas kasi ang kilay niya at parang galit na galit ang tono ng boses niya.
"Na late akong naka uwi,halos 2 hours ako na Stuck sa Traffic."
Oh bakit parang kasalan ko.Galit dahil na stuck sa Traffic tapos sakin nagagalit.
"Eh bakit Hindi ka Dumaan doon sa Tinuro kong Short cut."
Wala masiyadong Dumadaan na sasakyan doon.
"I did." Paano naman siya ma ta-traffic doon eh wala ngang masiyadong Sasakyan na Dumaraan doon.
"Pero may nakaharang na Kotse!" nagulat ako ng mas tumaas ang boses niya.
"Edi sana pina tabi mo!" sigaw ko din sakanya.
"Mukhang busy kasi yung Driver!"
"Edi sana kinausap mo!"
Napatingin pa saamin ang dalawang Estudyante na kasama namin ngayon dito sa Room dahil sa sigawan namin.
Sumakit pa ang lalamunan ko dahil don.kinuha ko ang Tumbler malapit sa Bag ko at ininom ang laman nito.
"May kasama kasi kaya Hindi ko Kinausap!"
"Bakit ka ba sumisigaw?!"
"Ayaw kong maka istorbo kaya ako nalang nag Adjust!!"
"Eh bakit saakin ka nagagalit ha!"
Sapakin ko to talaga eh.pinapagalitan ako ng walang rason.napa inom nalang ulit ako ng tubig.
"Sa dinami-raming lugar,BAKIT PA KASI SA GITNA NG KALSADA NAGYAKAPAN!"
Naibuga ko tubig na nasa loob ng bibig ko.
Tumayo siya at padabog na lumabas ng Room.
"Anyare don?" tanong ng kararating na si Tamiah kasama si Adam,kaibigan at ka Teammate ni Chandler sa Soccer.
Hindi ko siya sinagot at inalala ang nangyari kagabi.
nakita niya kaya kami?.kami kaya yung nakita niya?.

YOU ARE READING
I know I Love you
Fiksi RemajaChandler Vincent Hummington,Grade 11 student at Soccer Player.naguguluhan siya sa nararamdaman niya towards this girl.aaminin niya ba ang totoong nararamdaman niya o mag papaubaya nalang siya? 'I KNOW I LOVE YOU' 05/05/21