YANIE
Lahat ng Classmate ko ay nakatutok sa kanilang mga notebook.
First Day ng Exam namin for Third Quarter at lahat ay focus sa pag re-review except sa isa.
"Yanie Baka naman!" may pa pikit-pikit pa ng mata ang ra-ulong to,hindi uubra ang pag papa cute niya.
"Bahala ka sa buhay mo!" sabi ko kay Flyn at mahinang siniko siya,narinig ko ang mahinang pag buntong hininga niya at bumalik sakanyang upuan.
Tumingin ako sa paligid at walang Chandler akong nakita.
Natulog siya kina Adam kagabi at sabi ni Tam nakita niyang magkakasama silang apat na pumasok ng School kasama din si Hannah.
Tumayo ako at lumakad patungo sa inuupuan ni Flyn,nakita ko ang pag ngiti sakanyang labi.
"Uy sabi na eh dimo ako matitiis na hindi pakopyahin~" asa ka.
"Nasan si Chandler?" pinagtaasan niya ako ng kilay at dinumog ang ulo sakanyang lamesa.
Dahil wala akong nakuhang sagot sa lalaking to,bumalik nalang ako sa aking upuan.
Pumasok si Mrs.Marquez at nag umpisang mag bigay ng Test papers.
Natapos ang tatlong subjects at wala parin akong nakikita ni anino niya.
"YANIE~!" narinig ko ang pagtawag ni Tamiah saakin sa di kalayuan.
"Tam hindi mo ba nakita si-"
"Chandler?" alam na niya agad kung sino ang hinahanap ko.tumango ako sakanya bilang sagot.
"Pinauwi siya kanina,mukhang hindi maganda ang pakiramdam niya"
"Hmmm...ganon ba." okay pa naman siya kagabi ah.
Pagkatapos ng Break time bumalik na ang lahat sa mga Rooms nila habang pumunta muna ako sa Comfort Room.
"That Yanie Girl?" palabas na sana ako ng Cubicle ng marinig yun.
"Para siyang aso na sunod ng sunod sa Fiancé ni Pia" tahimik lang akong nakikinig sakanila.
"Maid ng mga Hummington ang Mama niya." naikuyom ko ang aking mga kamay habang pinapakinggan ang lahat ng yun.
"She's a Freak,look at this!"
"Napaka landi,pati ba naman si Tyson"
"Hindi siya nababagay sakanila,narinig ko rin na pumayag na si Pia about sa arrange marriage"
"Talaga ba-" hindi ko na narinig ang mga sunod na sinasabi nila dahil lumabas na sila ng CR.
Talaga bang pumayag na si Pia about don.akala ko ba ayaw niya.
Paano kung papayag din si Chandler?.ano naman saakin kung papayag siya?.
Bakit ganito,bakit ba iniisip ko siya?.wala namang ibang ibig sabihin nito diba.
Bumalik nalang ako sa Room at kinalimutan ang aking mga naiisip.
YOU ARE READING
I know I Love you
Novela JuvenilChandler Vincent Hummington,Grade 11 student at Soccer Player.naguguluhan siya sa nararamdaman niya towards this girl.aaminin niya ba ang totoong nararamdaman niya o mag papaubaya nalang siya? 'I KNOW I LOVE YOU' 05/05/21