YANIE
Natapos ang Game nila Chandler and sina Tyson ang kalaban nila.
Inabot ko kay Chandler ang isang Bottled water at ininom naman niya yun agad.tumingin siya saakin at ibinato ang towel niya sa mukha ko.gago talaga.
"Nice Game,Congrats!"
Hindi ko napansin ang paglapit niya saamin.hindi ako makatingin sa mukha niya kaya nakatingin lang ako sa ibaba.
"Yanie?." Napunta kay Tyson ang Tingin ko ng Banggitin niya ang pangalan ko.Totoo bang siya ang tumawag saakin.
Napahawak ako sa pisngi ko ng maramdaman ang pag init nito.siniko ako ng mahina ni Chandler pero hindi ko yun pinansin.
"Kaibigan ka ng kapatid ko diba?" inisip ko kung sino ang tinutukoy niya.
"Yanie!!.Kanina pa kita hinahanap." tumabi saakin si Tamiah.
"Kuya talo na naman kayo."napakamot si Tyson sa Sinabi ni Tam.so ibig sabihin siya yung tinutukoy ni Tyson.
Transferee lang kasi si Tamiah.sinabi niya saakin na gusto niya mag aral dito dahil sa kapatid niya.pero wala akong idea na si Tyson yun.
"Lets go,nagugutom na ako Yanie." Niyaya ako ni Tam na kumain sa labas.
"Sasama si kuya sa atin ayiieh!!"pumalakpak pa siya.napangiti ako dahil sa sinabi niya.
"Sorry but she's not going anywhere with you.hindi ba niya sinabi na may pupuntahan kami?" umiling si Tam kay Chandler.napaka bwisit talaga.
Hinila ako ni Chandler hanggang makarating kami sa Parking lot ng School.tumayo kami sa harap ng sasakyan niya.
Wala naman akong alam sa sinasabi niyang pupuntahan namin.tinatanong ko kung saan ba kami pupunta pero hindi siya sumagot.
"What the Fuck?" ipinukpok ko sa ulo niya ang walang laman na Plastic bottle.ayaw mo sumagot eh.sira ulo.
"Sa Restaurant."tipid na sagot niya.
"Bakit?" saka ko lang na Realize na ang tanga ko sa part na yun.siyempre kakain kami.
"Maglilinis tayo doon,gagamitin kong pampunas yang mukha mo since mukha ka namang basahan.......of course kakain."
Napasimangot nalang ako sa sinabi niya.napaka lutang ko kasi.pumasok kami sa sasakyan niya at nagsimula siyang mag Drive.
Pagkatapos kumain dumeretso na kami sa bahay nila.sinundan ko siya hanggang sa kuwarto niya.
"Dito ka matulog."
Nanaman.matutulog nanaman ako dito sa kuwarto niya tapos bukas puno na naman ng drawing ang mukha ko.
"Hindi puwede.walang kasama si Papa sa bahay."
Seryoso siyang tumingin saakin at hinubad ang suot niyang Jersey.ibinato niya saakin yun.
"Labhan mo yan.may game ulit ako Tommorow."
"Opo!" diniinan ko pa ang pagkakasabi non.
Bumaba ako at hinanap si mama.kasalukuyan siyang nagluluto ng pagkain.katulong si Mama dito at pag Weekend pumupunta ako dito para tulungan siya.
Nagpaalam ako sakanya at umuwi na.Nagluto ako ng kakainin ni Papa at pinakain siya.hindi niya kayang kumain mag isa dahil na Stroke siya.
Pagkatapos kong pakainin si papa linabhan ko ang Jersey ng lalaking yun at dumeretso na sa kuwarto ko.
Tinapos ko din muna lahat ng Assignment namin at natulog na.
![](https://img.wattpad.com/cover/272680506-288-k25725.jpg)
YOU ARE READING
I know I Love you
Fiksi RemajaChandler Vincent Hummington,Grade 11 student at Soccer Player.naguguluhan siya sa nararamdaman niya towards this girl.aaminin niya ba ang totoong nararamdaman niya o mag papaubaya nalang siya? 'I KNOW I LOVE YOU' 05/05/21