YANIE
Palihim akong nakikinig sa pagtatalo ng mga magulang ko.
Sabay kaming umuwi kanina ni Mama,umuwi muna siya ngayon dahil yun ang sinabi ni Papa.
"A-ayaw kong nakikitang na-nahihirapan s-siya." medyo hirap pa magsalita si Papa.
"Pero kung hindi niya gagawin ang gusto nila,saan tayo kukuha ng ibibili ng gamot mo ha?!" palakas ng palakas ang boses ni mama.
Habang nakikinig ako saknila mula rito sa kuwarto ko,narinig ko ang boses ng lola ko kaya dahan-dahan kong ibinukas ang pinto at sumilip sakanila.
"Anong sila.ikaw ang nag uutos sa anak mo na gawin niya yang mga pinapagawa mo.madaming paraan Rhea,bakit kailangan mo pang pahirapan ang anak mo!"
Naikuyom ko ang mga kamay ko at sobrang pigil ko sa mga luha ko.
"Nagka utang kayo sa mga Hummington oo,pero hindi ka ba na aawa sa anak mo?....Rhea paano pag natanggal yan sa Iskuwela nila dahil sa mga pinapagawa mo ha?."
Hindi agad sumagot si Mama kay lola.nakita ko ang pagkamot ni Mama sa ulo niya at lumapit kay papa.
"K-kung dahil s-saakin,mas mabuti n-nalang ku-kung namatay nalang a-ako para Hindi na kayo naghihirap ni Yanie-"
Pagkatapos sabihin yun ni Papa hindi ko na napigilan ang pagpatak ng mga luha ko.Kinuha ko ang wallet at Phone ko at Nagmadaling lumabas ng bahay.
Parang Hindi naman nila ako napansing lumabas.
Totoo na napapagod din naman ako,nahihirapan,at nlulungkot pero ng marinig yun kay papa,mas gugustuhin ko pa na gawin ang lahat nang to kaysa sa mawala siya.mas hindi ko yun kakayanin.
Tumakbo lang ako ng tumakbo hindi ko na tinitignan ang mga dinaraanan ko basta ang alam ko lang malayo na ako sa bahay.
Napa upo ako dito sa may gilid ng kalsada at yinakap ang tuhod ko,kahit magmukha na akong pulubi dito,gusto ko lang ilabas ang lahat ng sakit.
Hinayaan ko lang na bumagsak ang mga luha ko hanngang sa maramdaman kong may mga palapit saakin.
"Uy,ang gandang pulubi naman nito."
"Miss gusto mo iuwi ka namin?"
"Oo nga hindi ka bagay dito."
Wala masiyadong sasakyan ang dumadaan at medyo madilim dito.
Napatayo ako ng pilit nila akong hilain,kahit anong pilit ko na makalayo sakanila mas malakas parin sila saakin dahil tatlo silang nakahawak sa braso ko.
Gamit ang natitirang lakas ko,siniko ko ang isa sakanila at tinadyakan ang isa,at malakas na tinulak ko ang pangatlo sakanila.
Nagkaroon ako ng pagkakataong maka takbo pero hindi ko napansing nasa gitna na ako ng kalsada.
*BEEP!* Malakas na busina ng isang kotse na papalapit saakin,pinikit ko ang mga mata ko ngunit minulat ko rin agad ng huminto ito.
"Hoy bumalik ka rito."
"Miss huwang ka ng tumakbo pa."
"Sumama ka na-"
Napatigil sila ng bumaba ang lalaki na may ari ng Kotse.Matangkad,Moreno at Pamilyar saakin.
Nakita ko ang pag atras ng tatlong lalaki at nagmadaling umalis.tumingin ako sa lalaking nakatayo ngayon sa harapan ko.
Tumakbo ako sakanya at mahigpit na Yumakap,muling bumuhos ang luha ko.akala ko katapusan ko na kanina.
Mas humigpit pa ang pagkakayakap ko sakanya at naramdaman ang pag hagod niya sa likod ko.
Hinayaan niya akong umiyak sa mga bisig niya.takot na takot parin ako hanggang ngayon.ipinikit ko ang aking mga mata sabay ng pag banggit ng pangalan niya.
"Tyson....."
YOU ARE READING
I know I Love you
Novela JuvenilChandler Vincent Hummington,Grade 11 student at Soccer Player.naguguluhan siya sa nararamdaman niya towards this girl.aaminin niya ba ang totoong nararamdaman niya o mag papaubaya nalang siya? 'I KNOW I LOVE YOU' 05/05/21