IKILY 3

2 1 0
                                        

YANIE

Maaga akong nagising dahil pupunta pa ako sa bahay ng mga Hummington.hinintay ko muna si Lola dahil siya ang nagbabantay kay papa kapag wala kami.

Ibinato ko kay Chandler ang Jersey niya at ibinato niya din saakin ang Unan niya sa mukha ko.

Hinila ko siya patayo dahil ayaw bumangon.ako na naman mapapagalitan pag na late ulit kami sa Klase.

"Five Minutes."walang buhay na sabi niya.

Ayaw bumangon ha.kinuha ko ang Pitsel na may laman na tubig sa Study table niya at ibinuhos sakanya.

Napabalikwas siya ng tayo dahil sa ginawa ko.ayan bumangon din.

Lumapit siya saakin at ipinalibot ang kamay sa leeg ko.

"Hoy ano ba.!!"

"I will kill you!."

Inabot ko ang Buhok niya at malakas na sinabunutan siya.naapasigaw pa siya ng kagatin ko ang kamay niya na nakapalibot sa leeg ko.

Napatigil kami dahil biglang bumukas ang pinto ng kuwarto niya.nakapalibot parin ang kamay niya sa leeg ko at nakahawak parin ako sa buhok niya.

"Nag aaway na naman kayo.mga batang to talaga,umagang umaga nag aaway na agad."

Napabuntong hininga pa si nanay Wilma pagkatapos sabihin yun.

"Chandler po kasi eh."

"Nerd po kasi,epal."tumingin pa siya saakin ng masama.

"Bumaba na kayo,Vincent ayusin mo yang itsura mo at sabayan mo na ang mga magulang mo mag Almusal.Ikaw naman Yanie tulungan mo na ang Mama mo sa ibaba."

Pagkatapos niya kumain at Magbihis nagpaalam na kami na pupunta na sa School.

Padabog akong lumabas sa Kotse niya at iniwan siya doon.tinawag pa niya ako pero hindi ko siya Pinansin.

Tapos na ang Klase namin kay Ms.Francisco,Reses na naman.Hindi ko na hinintay ang sasabihin ng Walang hiya na yun.

Pumunta ako ng Cafeteria at bumili ng Pagkain niya.Ibinaba ko sa table niya ang binili ko at umalis din agad.tinawag niya ulit ako pero hinayaan kolang.

Nandito ulit ako sa may Sports Field.umupo ako sa bakanteng Bench at nagsimulang kumain habang nagbabasa ng libro.

May umupo sa tabi ko at hindi ko na kailangang tignan kung sino yun nandito na naman siya para Bwisitin ako.

"Arrgh.Alam mo Bwisit ka-" Hindi ko naituloy ang sasabihin ko ng makita kong sino yun.

Hindi ko alam kung anong gagawin.Napatayo nalang ako at kinuha ang mga gamit ko.sinuot k0 ang aking bag at itinago ang mukha ko gamit ang hawak na libro.

"Sorry did I disturb-" hindi rin niya natapos ang sasabin niya ng aalis na sana ako dahil ramdam ko na naman ang pag iinit ng pisngi ko.

Pero nawalan ako ng balanse dahil may naapakan ako.buti nalang nahila ni Tyson ang kamay ko bago pa ako tuluyang matumba.

Malakas ang pagkahila niya saakin kaya aksidenteng napayakap ako sakanya.

Napatingin ako sa mukha niya habang nakayakap parin sakanya.

"You have a Beautiful eyes." oo na tanggap ko na mata lang ang maganda saakin.

Inayos niya ang suot kong eye glass dahil medyo nahuhulog ito.narinig ko ang mahinang pagtawa niya habang may tinatanggal na bagay sa buhok ko.

Napabitaw ako sa pagkakayakap sakanya ng may humila sa bag ko.nakita ko ang seryosong mukha ni Chandler.

"Dont you ever touch her again." bwisit talaga.nambabasag ng moment.

"Sorry.pero bakit naman?...bawal?"

Umakbay saakin ang Bwisit na lalaking to at mas inilapit ang mukha niya sa mukha ko.

"Ako lang ang puwedeng humawak sakanya ng ganon,at ganito."napunta sa bewang ko ang kamay niya kaya masama ko siyang tinignan.

"She's mine so Fuck off!."

I know I Love youWhere stories live. Discover now