IKILY 14

0 0 0
                                    

YANIE

"I can do it by my self,get out...now!"ganito ba pag may lagnat?.sobrang napakainit ng ulo niya simula pumasok ako ng kanyang kuwarto.

Nagluto si Mama ng Soup para sakanya dahil bigla nalang siyang linagnat.ako ang nagdala sakanya ng pagkain at gamot niya pero pagpasok ko palang pinagtaasan na niya ako ng kilay.

Hindi ko pinansin ang kanyang sinabi.kinuha ko ang kutsara at sinimulang pahigupin siya ng soup.

"I said I can do-" hindi ko na pinatapos ang sasabihin niya.isinubo ko sa bibig niya ang kutsara.wala akong pake kung mainit man ang soup.

"Dahan-dahan naman...tiyaka mainit!" oo kasing init ng ulo mong bwisit ka.

Sunod ko siyang pinainom ng kanyang gamot.ilinigpit ko ang pinagkainan niya para mailagay na sa ibaba.

Hindi pa ako nakakatayo sa pagkakaupo sakanyang kama ng hawakan niya ako sa braso.

"Stay..." hindi kagaya kanina,mas kalmado na siyang magsalita.

Kanina lang para siyang tigreng galit na galit at gusto akong paalisin.

"Aalis na ko baka uminit na naman yang ulo mo." tatayo na muli sana ako ng mas humigpit ang pagkakahawak niya sa braso ko.

"I mean..tonight.puwede bang dito kanalang matulog?" umamo ang kanyang mukha at parang nagmamakaawa ang tono ng kanyang boses.

"Please.." ngumiti ako sakanya at tumango bilang sagot.

"Dadalhin ko lang to sa ibaba." tumango rin siya saakin at bumitiw sa pagkakahawak.

"Kumain ka na rin para makauwi ka na." bungad saakin ni mama pagkababa ko ng pinagkainan ni Chandler sa lababo.

"Ma kasi si Chandler.." tumingin muna siya saakin bago nagumpisang mag hugas.

"Sabi niya kasi na kung puwede-"

"Si Pia na ang magbabantay sakanya." naguguluhan akong tumingin sakanya.

Bago pa ako makapagsalita narinig ko ang Familiar na boses galing sa salas.

"Kumain na ba siya?." rinig kong tanong ni Pia.lumakad ako patungo sa salas at nadatnan siya doon kasama si Nanay Wilma.

"Oo kakatapos lang siyang pakainin ni Yanie." nakita ko ang pagtaas ng kilay ni Pia pagkatapos banggitin ni Nanay Wilma ang pangalan ko.

Nagsimula siyang lumakad papunta sa itaas.padabog pa ang kanyang paglalakad at may pa hagod-hagod pa siya sakanyang buhok.

Sinundan ko siya papunta sa kuwarto ni Chandler dahil nandon ang mga gamit ko,kukunin ko lang at uuwi na.

Dahan-dahan kong pinihit ang door knob at lihim na sumilip.madilim sa loob dahil nakapatay na ang ilaw tanging ilaw lang ng lamp na malapit sa kama ni Chandler.

Nakapikit ang mga mata ni Chandler at  mahigpit na nakayakap sa braso ni Pia at hinahagod naman ni Pia ang buhok ni Chandler.

"Dito ka lang..." nakita ko ang pag ngiti ni Pia matapos sabihin non ni Chandler.

Aalis nalang sana ako ng muli siyang magsalita napalingon ako sa pinto ng kuwarto niya ng marinig yun.

"Don't leave..don't leave me Yanie.."

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 13, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

I know I Love youWhere stories live. Discover now