Malapit Na

2 0 0
                                    

Ang ilang taon na hinihintay,
ay malipat na dumating.
Sa ating pagsasama sa kasalukuyan,
Hanggang saan kaya ang mararating?
Hindi mapakali dahil malapit na tayo makarating,
Sa ating destinasyon kung saan masasabi na nating atin.

Ilang buwang paglalakbay bago dumating sa paroroonan,
Ay ilang tuyo't ulan ang pinagsaluhan.
Ngayon na panahon ng bagyo,
Maisasalba pa ba natin ang tayo?
Magkasama pa ba nating tatahakin ang mga mabahang araw?
O kailangan muna nating isalba ang sarili papunta sa mababaw?

Nasusukat nga sa tagal ng relasyon,
Ang tunay na emosyon at intensyon.
Nasusukat nga sa problema at paggawa ng solusyon,
Ang tunay na pagmamahal at kooperasyon.
Ano pa ba ang susukat sa ating dalawa?
Ano pa bang darating para tayo ay paglayuin?

Mahigpit pa rin ang aking pagkakapit,
Kahit na mahigpit na rin akong naiipit.
Maluwag na ba ang tali na sa atin ay nakakabit?
Hindi ba ito kayang ipilit?
Sa kabila ng lahat ay hindi pa rin bibitaw,
Tutuparin ang pangakong magkasama tayo sa kalawakan tatanaw.

Gulo man ang isipan nating dalawa,
O kahit ako lang ang apektado talaga.
Sana'y malagpasan natin ito,
Kahit ang dati na ay nagbago.
Huwag tayong sumuko na piliin ang isa't isa,
Dahil makakarating na tayo sa ating paroroonan, malapit na.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 09, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

DelilathalaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon