Mula noong nagbagong taon
Ay nagkaroon tayo ng pagkakataon
Na mas kilalanin ang isa't isa
Na mas nagpalalim ng nadaramaIba't ibang pagsubok ang hinarap
Ngunit patuloy pa rin sa pangarap
Ilang beses nagkasakitan
Ngunit nagpatuloy pa rin sa daraananDumating sa punto
Na damdamin ay nanganib
Mapapasabi ka na lang ng,
"Ganito pala ang pag-ibig?"Dumating sa punto
Na maitatanong niyo na lang
Kung susuko na ba
O kakayanin pa?Sabi nga nila
Pagsubok ang sisira sa inyo
Ngunit pagsubok rin
Ang magpapatatag sa muli niyong pagkabuo