Nasanay Na

10 0 0
                                    

Tuwing umaga
Sa pagmulat pa lang ng mga mata
Ang iyong mensahe
Agad ang nakikita

Palaging nagtatanong
Kung ako ba'y kumain na
Kung kamusta ang araw ko
Kung ako ay ok ba

Palagi kang nandyan
Sa tuwing ako'y nalulungkot
Sinusubukang pagalingin
Ang puso kong kumikirot

Sa kabila ng iyong trato sa'kin
Sakit ang aking isinukli
Patuloy kang tinutulak palayo
Ngunit di ka pa rin sumusuko

Sa bawat araw na ika'y nakakausap
Ay parang may kakaiba
Habang tumatagal
Ako ay napapalapit na.

Ngunit sumasagi sa aking isipan
Paano kung isang araw ako'y iyong iwan?
Ako'y kawawa na naman
At puso'y muling masusugatan.

Naiisip ko rin
Na baka ako'y sinasanay mo lang
Sinasanay sa presensya mo
At sa tagal rin ay iiwan.

Paano kung ito ay isa lang lokohan?
Ayoko ng pairalin ang aking katangahan
Ayoko na muling masaktan
Ayoko na rin maiwan

Ngunit paano kung nasanay na?
Nasanay na sa araw-araw na andiyan ka
Baka hanap-hanapin ko
Ang presensya mong ipinakita

Sana'y magtagal ka pa
Dahil malay natin diba?
Malay natin na ako din ay magkagusto
Sapagkat ako'y nasanay na.

DelilathalaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon