Nasasaktan sa Dapat Hindi

4 0 0
                                    

Hindi ko mapigilan
Hindi ko maintindihan
Parang isang gripong bukas
At tubig ay patuloy na lumalabas

Hindi sa takot na siya'y mawala
Kundi sa takot na biglang maging bula
Ang mga binitawang mga salita
Na kaniya isinambitla

Bigla-bigla na lang nasasaktan
Sa nababasa o nakikitang larawan
Wala namang dahilan
Pero bakit ito nararamdaman

Napakababaw kung titignan
Ang aking ilalahad na mga dahilan
Nais ko itong iwasan
Dahil hindi ko ito dapat maramdaman.

DelilathalaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon