Ang mundo natin ngayon
Ay punong puno ng kasinungalingan
Di alam kung sinong totoo
Kung sino ang pagkakatiwalaanMinsan, dahil sa dami ng nanloko
Nakakatakot na magpakatotoo
Nakakatakot na magmahal
Sa taong di mo alam kung seryosoAlam mo ba yung pakiramdam?
Pakiramdam na takot kang magtiwala
Magtiwala sa mga tao sa paligid
Magtiwala sa mga taong mahal kaAko'y nadala na ng kahapon
Takot na mangyari muli ang nangyari noon
Ako'y patawarin mo sana
Sapagkat mahirap ang muling magtiwalaMeron na ba akong nararamdaman?
Pakiramdam na walang kasiguraduhan
Sana ako'y alalayan
Na magtiwala ng dahan-dahanAko'y takot na masaktan
Ngunit gusto kong muling magmahal
Gusto kong magmahal
Ngunit sa pagbibigay tiwala ay nahihirapan.