Anino

1 0 0
                                    


Mag-isang naglalakad sa kalsada
Umaasa,
Na sa bawat hakbang ng mga paa
Ay nasa likod na kita

Sa bawat panlalabo ng mga mata
Ay pagnanais na makita ka
Sapagkat matagal na ang alaala
Nang huli tayong magkita

Hindi maintindihan ang paligid
Na para bang may kakaiba
Ngunit isa lang ang alam ko
Ang nais kang makita

Hinahanap ang iyong anino
Inaakalang ikaw ang ibang tao
Umaasang naghihintay ka sa daan
At sa pagkikita'y gumawa ng paraan.

Sa bawat taong nakakasalubong
Nais maaninag ang iyong katawan
Papunta sa akin ang hakbang
At sasamahan ako sa paroroonan

DelilathalaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon