Maskara

4 0 0
                                    

Mukhang may labing nakangiti
Mukhang di tumitigil sa paghikbi
Bawat tao'y maraming mukha
Ngunit ang tunay ay nasa likod ng maskara.

Sa paglabas ng tahanan,
Uumpisahan na naman ang bagong laban.
Isinuot ang maskara
Maskarang puno ng saya.

O kay ganda ng ngiti
Ngiting abot tenga.
Mga tawang kay lakas
Na naririnig hanggang edsa.

Sinasabi ng iba'y binabaliwala
Tinatawanan ang mga masasakit na salita.
Wala ka ng magawa,
Dahil ayan ang mundong mapanghusga.

Estado mo sa buhay
ay nakabase sa mukha.
Wala kang karapatang mag-inarte
kung hindi ka kaaya-aya.

Patapos na ang araw
At muling pumasok.
Kasabay ng pagpasok sa puso
Ng mga salitang nakakatusok.

Tinanggal ang maskara
At mukha'y basang basa.
Labis na tumutulo
Ang mapapait na luha.

Mga tinatawanan sa labas
Ay iniiyakan.
Umiiyak kasabay ng
Nakakabinging katahimikan.

Nagsisilabasan na ang mga tanong.

Mga tanong
na ang hirap sagutin.
Bakit ganito?
Bakit ganito pa rin?

At nakatulog na lamang
Habang yakap-yakap ang basang unan.
Sapagkat sa gabing iyon,
Bumagyo ng luha sa higaan.

Nagising sa liwanag,
At nararamdama'y di mapaliwanag.
Isinuot na muli ang maskara
At muling lumabas suot-suot ang ganitong mukha.

DelilathalaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon