Likuran

0 0 0
                                    

Sa aking pagdating
Ay saktong pagkatingin
Mula sa likuran
Hindi inaasahan

Hindi ko maintindihan
Ano ba itong nararamdaman
Tanaw ka mula sa kalayuan
Ngunit ako ngayo'y nasasaktan

Bakit siya ang katabi?
Bakit hindi ka nagsabi?
Nasaan na ang iyong mga binitawan?
Bakit hindi ko ito makita at maramdaman?

Hindi kita maintindihan
Akala ko'y akala ko na naman
Bakit ako nasasaktan?
Hindi naman ito nararapat maramdaman

Sa dinami-dami ng pwedeng ibungad
Likuran niyo pang dalawa
Sa dinami-dami ng iyong pwedeng makatabi
Bakit siya pa?

Hindi mo ako masisi
Kung bakit ko ito masasabi
Hindi mapigilan ang pagdurog ng puso
At ang tahimik nitong paghikbi

DelilathalaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon