Saradong Binuksan ay Muling Isinarado

4 0 0
                                    

Noong bata pa
Wala kang kaalam-alam.
Ano nga ba ang pagmamahal?
Ano kayang pakiramdam?

Makalipas ang ilang taong pagtatanong,
Ay may nakilala
Noong una ay di maipaliwanag
Kung ano itong nadarama

Aking napagtanto
Sa tulong ng mga kaibigan
Hindi namalayan,
Pag-ibig na pala ang nararamdaman.

Binuksan ko ang pinto
Ang pintong patungo sa aking puso
Siya'y naglakbay sa loob
At sa isip na rin ay nagtungo

Noong una'y masaya
Ngunit sa una lang pala
Sapagkat nasaktan ang puso
Nang malaman kong gusto niya ay iba

Wala akong maggawa kundi tanggapin
"Kaibigan mo ang gusto ko" sabi sa'kin
Nadagdagan lalo ang kirot sa puso
Nakangiti na lang upang lungkot ay di nila mapansin

Pusong babasagin
Na unang beses pa lang nakaramdam
Ay agarang nabasag
Ito pala ang pakiramdam?

Lumipas ang panahon
Atensyo'y sa iba natuon
Puso'y muling nagmahal
At di na inalala ang kahapon

Ngunit muling nabigo
Nasaktan muli ang puso
Iba ang kaniyang gusto
At ito na nama'y kaibigan ko

Hindi na napigilan ang pagtulo ng luha
Kahit pigila'y tumutulo ng kusa
Muli, dating gawi
Kailangan kong magparaya.

Ngunit nagparaya man ako
Siya pa rin ang sinisigaw ng puso
Patuloy ko pa rin siyang iniisip
At minamahal ng patago.

Sa di inaasahan
Ay mayroong nakilala
Nang magtagpo ang aming mata
Kakaiba na naman ang nadarama

Sa sobrang gaan
Hindi na namamalayan
Ang puso ko na naman
Ay nahulog muli ng tuluyan

Ngunit muli,
Nangyari ang nakaraan
Muling nasaktan
At pagpaparaya na naman ang paraan

Sa ganitong pagkakataon
Ako na ay magdedisisyon.
Ayaw ko ng mangyari muli
Ang nangyari noon.

Ang saradong binuksan
Ay muli nang isasarado
At di ko na bubuksan
Hangga't di dumadating ang tamang tao.

DelilathalaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon