Magkabilang Dulo

0 0 0
                                    

Sa apat na sulok ng isang kwadrado,
Nakapwesto tayo sa magkabilang dulo.
Ilang metro ang ating layo
Ngunit natatanaw kitang nakatayo.

Mata ko man ay nasa grupo
Pagtingin ko nama'y na sa'yo.
Ako na ay kuntento
Na ika'y matanaw mula sa dulo.

Ako rin kaya'y tanaw mo sa kabila?
O hindi dahil sa pagkaaliw mo sa iba?
Minsan ba'y ako ay iyong nilingon?
O hindi dahil sa iba ka na nakatuon?

Sa bawat galaw na aking binibitawan
Kasabay ng mga tugtog na nagsisi-awitan
Ay aking binuhusan ng kasiglahan
Sapagkat baka ako'y iyong masulyapan.

Sa dulo ng isang apat na kwadrado
Kung saan ang grupo nati'y nakapwesto
Tila para tayong itinadhana
Ngunit hindi pinagtatagpo.

DelilathalaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon