Hanggang Dito Lang Ako

0 0 0
                                    

Labis na pagmamahal
Ang nadarama para sa iyo
At ako'y nakasisigurado
Na damdamin nati'y pareho

Halos di mabilang ang mga bituin
Kung saan ako laging humihiling
Na sana ay ganoon ka rin sa akin
At hindi lang ako hanggang tingin

Malaya tayong dalawa
Na mahalin ang isa't isa
Ngunit bakit tila
Parang may pumipigil sa ating dalawa?

Sa bawat araw na lumilipas
Ang pag-ibig ko sayo ay hindi kumukupas
Inaabangan ko lagi ang bukas
Na magtutungo sa atin sa wakas

Minuto lamang ang bilang
Sa tuwing ika'y nakakasama
Sandali lamang
Ngunit napuno na ng saya ang mga mata

Sa pagdating natin sa ating paroroonan
Mahal, hanggang dito na lang.
Minuto lamang ang bilang
Dahil hindi natin hawak ang kamay ng orasan

Ang hirap gumalaw sa mundo
Lalo na't maraming mata ng mga tao
Para akong nakakadenang ginto
Dahil hanggang dito lang ako

Hanggang dito lang ako
Nakatingin lagi mula sa malayo
Pinagmamasdan ang iyong mukha
At sinusundan ang iyong anino

Saksak sa puso ang bawat senaryo
Na aking nasasaksihan
Senaryo,
Na hindi ako ang kasama mo sa iyong kasiyahan.

Mga mahahalagang pangyayari
Na ako'y hanggang tingin lang.
Mga masasayang litratong
Aking pinagmamasdan.

Bagamat nais kitang mahagkan
Ay hindi ko magawa
Napakalapit natin sa isa't isa
Ngunit hindi tayo pinagtatagpo ng tadhana

Iisang mundo ang ginagalawan
Ngunit sa ibang dimension lagi ang paroroonan
Iisang lupa ang tinatapakan
Ngunit kilometro ang ating kalayuan

Hindi ka makasama
Kaya sa panaginip na lang lilikha
Ng mga ala-alang
Sana totoong kasama ka

Gaano man kalakas ang sigaw ng damdamin,
Hindi maiaalis na ako'y hanggang dito pa rin.
Ang pagbagsak ko man sa'yo ay malalim,
Ako'y hanggang dito pa rin.

Hindi ka malayang mahagkan,
Habang hawak ka ng iba.
Hindi ka malayang yakapin
Habang ang iba'y yakap-yakap ka.

Gustuhin ko man
Ngunit hindi ko magawa
Sa di ko malamang dahilan
Pasensya aking mahal, sapagkat ako'y hanggang dito lang : )

DelilathalaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon