CHAPTER 8: My little sister cannot be this cute!

29 1 0
                                    

Nakita ko si Melo na nag-rereview sa may sala pag-gising ko, today is Satuday at late akong nagising dahil wala akong alarm sa cellphone tuwing weekends. Nagtimpla ako ng tsaa at umupo sa sofa sa tabi ni Melo na busy sa pag-rereview…

 “Morning Onii-chan! May teepeecon po kayo diyan sa lamesa” sabi niya

Teepeecon ay acronym para sa “Toasted Pandesal with Condensada”, isang specialty ni Melo kung saan hinahati niya sa dalawa yung pandesal at papalamanan ng condensada yung bawat isa nun at ilalagay sa oven for 3 minutes, di ko alam kung saan niya nakuha yung recipe na iyon pero masarap siya at pwedeng pang-almusal…

So kumuha ako ng isang teepeecon sa lamesa at bumalik ulit sa sofa…

“So, ano iyang nirereview mo?” tanong ko

“Hindi po ako nag-rereview, gumagawa po ako ng report para sa Monday” banggit ni Melo sabay ngiti

Ang sipag talaga nitong kapatid ko! Bihira talaga ang mga kuya na binibiyayaan ng mabubuting imouto[1]!

“So, ano yung irereport mo?” tanong ko

“Chinese History po, tungkol po sa panahon ng pagbagsak ng Han Dynasty”

Wow, parang nung panahon ko ay hindi namin diniscuss yung pagbagsak ng Han Dynasty at diretso agad kami sa Jin Dynasty noon. Buti na lang ay expertise ko ang history kaya tinulungan ko si Melo…

“May sinabi pa sa book mo tungkol sa irereport mo?” tanong ko

“Wala po eh, maikling sentences lang po” sabi niya

“Ganun ba? Then tulungan kita, ang panahon nung pagbagsak ng Han Dynasty ay tinatawag na “Three Kingdoms Period”, kahit na maikli lang ito ay ito ang pinaka-popular na panahon sa Chinese History at madalas ay wala iyan sa libro, tamad kasi yung mga gumagwa niyan eh!” sabi ko

“Ah? So may alam po kayo tungkol dito sa report ko?”

“Oo naman Melo, basta history: Chinese, Korean, Japanese, French, American! Alam ko iyan lahat! Naka-95 ata onii-chan mo sa Araling Panlipunan nung high school!” sabi ko

“Uwa! Ganoon po ba? Pwede po bang patulong?”

“Oo naman Melo!”

Then nag-start na yung lesson ko kay Melo tungkol sa Three Kingdoms…

“So papano po nagstart yung Three Kingdoms Period?” tanong ni Melo

“Well, nag-start iyan nung Yellow Turban Rebellion nung third month ng year 184, pinasimulan ito ng mga magkakapatid na Zhang: sina Zhang Jiao, Zhang Liao at Zhang Bao, si Jiao ang pinaka-leader nung grupo nila na tinawag na ‘Way of the Supreme Peace’”

“Bakit po Yellow Turban Rebellion yung name nun? Naka-yellow po silang lahat?”

“Tama, naka-suot sila ng yellow na bandana sa ulo nila kaya mas preferred na tawagin iyon na ’Yellow Scarves Rebellion’ pero turban ang gusto ng mga scholars eh”

Then nakita ko siyang nag-tatake ng notes sa mga sinasabi ko, patuloy pa yung pagtuturo ko sa kanya tungkol sa Three Kingdoms period…

“Yung Three Kingdoms period ay pinangalan sa tatlong dominions ng tatlong warlords na namuno nung panahon na iyon, sa Wei ay si Cao Cao, sa Wu ay si Sun Jian at si Liu Bei naman sa Shu…”

“Kaya pala Three Kingdoms ang tawag sa kanila! Pero bakit po hindi nilalagay sa mga libro yung period na yun? Importante din po naman pala iyon?”

“Ah, kasi may mga bagay na pinasisimple lang sa school kaya hinahapyaw lang nila yung mga topic at ini-skip yung mga sa tingin nila ay hindi mahalagang importante dahil hindi ka naman kukuha ng history major na course paglaki mo diba? Malalaman mo na lang lahat ng kulang pagkatapos mo na sa topic na iyon”

Mr. Nerd meets Ms. CosplayerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon