The next day ay nagkasakit si Melo kaya hindi siya nakapasok, hindi muna pumasok si Mama para mag-alaga kay Melo…
“Onii-chan! *cough* Gusto ko pong pumasok” nakaka-awang sabi ni Melo
“Hindi puwede, may lagnat ka… baka mamaya, bumigay ka na lang sa school! Pahinga ka na lang muna dito” sabi ko sa kanya
PIniga ko yung bimpong basa ng malamig na tubig at pinatong sa noo ni Melo…
“Harley, ako na bahala dito… pumasok ka na, baka ma-late ka pa” sabi ni Mama
“O sige po” sabi ko
“Ah siya nga pala, saan napunta yung organ mo?” tanong ni Mama
“Nasa school, naging member ako ng isang banda” sabi ko
“Ah, mabuti yan anak!” sabi ni Mama
Tumungo na lang ako at umalis na ng bahay.
Dahil hindi ko kasama si Melo sa bike ay nanibago ako dahil napaka-gaan lang ng pag-babike ko Kahit sanay akong mag-isa, iba pa rin ang atmosphere kapag di ko kasama si Melo sa bike. Anyway, na-realize ko na Monday pala ngayon at common scene na sa kalyeng dinadaanan ko ang traffic lalo na sa lane na papunta sa school, iyon din ang isang dahilan kung bakit hindi ako nag-cocommute: una dahil nangangain ng oras kapag na-traffic at pangalawa dahil mas mahal yung singil sa’kin nung konduktor kahit sinasabi kong estudyante ang bayad.
Tumigil muna ako sa may malapit na 7-11 at bumili ng siopao bilang breakfast, dahil biglaan yung sakit ni Melo ay walang naka-pagluto ng agahan kaya ngayon lang ako babawi. Kinain ko yung Budget Bola-Bola siopao ko habang naka-upo sa nakaparada kong bike at pinapanuod ang usad pagong na traffic sa kabilang lane na animo’y mga taong pumipila para makakuha ng NFA rice. Sa panunuod ko sa mga sasakyang nagsasayang lang ng gasolina ay naramdaman ko ang vibration ng cellphone ko sa bulsa ko, tawag na pala iyon…
“Hello?” tanong ko
“Kuinsu-kun, Mika-desu! Are you in school now?” tanong ni Mika
“I’m still on my way, why?”
“I just want to tell you that I maybe running late today, I got stuck in the Monday rush”
“Ah, Is that so? Where are you exactly?”
“I’m in a bus, why?”
“Do you see any establishments nearby?”
“Well, I could see a nearby 7-11 sign from here”
“Is that so? Well, get off the bus and meet me there”
“Hai!”
At tinapos na niya yung tawag. Kakaubos ko lang nung siopao ko nung dumating siya, still:ang cute pa rin niya tignan sa kahit naka-uniform, para pa rin siyang nag-cocosplay…
“Oh! You have a bike!” pambungad ni Mika
“Yes! Come, let’s go to school” sabi ko
“But, is it kind of dangerous?”
“Trust me Mika, it’s fine”
Nilagay ko yung bag niya sa basket sa harapan ng bike ko then umupo na ako sa bike at umupo na rin si Mika sa angkasan sa likod, medyo nawalan siya ng balanse kaya napayakap bigla siya sa’kin, one point!…
“Alright, hold on tight” sabi ko
At nag-start na akong mag-pedal at naramdaman ko na humihigpit pa yung kapit ni Mika, easy lang! Baka hindi na ako makahinga mamaya sa sobrang higpit!
BINABASA MO ANG
Mr. Nerd meets Ms. Cosplayer
Ficțiune adolescențiQuince Valmorida, isang otaku nerd and slight negative ang outlook sa buhay... Miyaka Satou, isang cosplayer na animo'y anghel ang kabaitan... Posible ba ang pag-ibig sa dalawang napakalayo ng pagitan sa social hierarchy? Samahan sila kasama ang iba...