Ngayong araw natapos ang Midterms namin, yung iba ay diretso sa mall at mag-gagala habang "pinapalamig yung ulo nila dahil nag-overheat" habang yung iba naman ay diretso uwi at matutulog kasi "nakakapagod yung exam" pero iba ako sa kanila; dumiretso ako sa clubroom kung nasaan ang mga taong nagpapasaya sa'kin: sila ang Lucky Charm at sila ang mga taong nagtiyatiyagang kaibiganin ako kahit na parati akong mapag-isa. Teka! Parang nabanggit ko na ito dati ah?
"Aba himala, late ata si Char ngayon" sabi ko
"Madalas ay nandito na siya at hinahampas na ang ulo ko" sabi ni Red
"Talagang sanay ka na ah" banggit ko kay Red
"Nasaan po kaya si Char?"
"I think she just did something in her classroom" sabi ni Mika
Then, kumatok sa clubroom si President Jarius, ang school president at kaklase ni Charlotte..
"Ah guys, matanong ko lang... alam niyo ba kung nasaan si Charlotte?" tanong ni Jarius
"Hindi, bakit? Wala ba siya sa classroom niyo?" tanong ko
"Absent siya... hindi siya nakapag-take ng Midterms kaya kailangan niyang kumuha ng Special Exams at ipasa ito. Hindi niyo ba siya ma-cocontact?" tanong ni Jarius
"Hindi eh pero gagawa kami ng paraan para masabi iyan sa kanya" sabi ko
"Salamat Valmoria" pagpapasalamat niya, at again, ibang tao nanaman ang pinasalamatan niya
Pag-alis niya ay nag-isip kami ng paraan kung paano makokontact si Char...
"Ano... Kuya Quince, alam ko po kung saan yung bahay ni Char" banggit niya
"O sige, puntahan na lang natin siya" sabi ko
Naglakad kami papunta sa bahay nina Char dahil malapit lang daw yun sabi ni Rianne. Habang naglalakad kami...
"Oo nga pala Rianne, matanong ko lang. Gaano katagal mo nang kilala si Char? Para kasing magkakilala na kayo bago ka pa sumali sa club eh" sabi ko
"Yeah, I also noticed that..." dagdag ni Mika
"Ah... magkaklase po kasi kami ni Char nung high school. Buti nga po at mas lively na po siya ngayon kaysa dati"
"Bakit? Iba ba ugali ni Char dati?" tanong ni Red
"Opo, ibang-iba po talaga. Total, pareho nga po ng ugali ni Kuya Quince si Char noon"
"T-Talaga? Parang hindi naman halata sa kanya" sabi ko
"Nagulat nga rin po ako eh pero okay na rin po iyon dahil mas masaya na po siyang kasama"
At tumigil kami sa harap ng isang hindi gaanong kalaking bahay. Nakita namin si Char na nagsasampay ng damit sa labas ng bahay nila...
" Yaharro!" bati namin
"K-Kuya Quince... ano..." banggit ni Rianne
"Sino kayo?" tanong ni Char
Bakit para kaming nahugutan ng tinik sa tanong ni Char?
"Eh? Char, may sakit ka ba?" tanong ni Red
"Yun nga yung pinunta natin dito diba?" sabi ko
"Ah, mga kaibigan ba kayo si Ate Charlotte?"
"A-Ate Charlotte?!?" tanong namin
"Ah, tingin ko naguluhan kayo. Ako si Charlene, ate ko si Charlotte... kambal kami"
Napatingin siya kay Rianne...
"Oh Adri, ang laki mo na ah" sabi ni Charlene
"Salamat Charlene..."
BINABASA MO ANG
Mr. Nerd meets Ms. Cosplayer
Novela JuvenilQuince Valmorida, isang otaku nerd and slight negative ang outlook sa buhay... Miyaka Satou, isang cosplayer na animo'y anghel ang kabaitan... Posible ba ang pag-ibig sa dalawang napakalayo ng pagitan sa social hierarchy? Samahan sila kasama ang iba...