Ako si Charlotte Rodriguez, mostly known as Char. Member ako ng Lucky Charm band bilang drummer nila at ako ang founder ng Otaku Club. Lately ay nagpakulay ako ng buhok dahil gusto kong magmukhang cool dahil bihira ang mga drummer na babae diba? Pero after ko magpakulay ay naalala ko na bawal nga palang magpakulay ng buhok sa school kaya eto ako ngayon at nasa detention dahil sinita ako ng Accounting teacher ko. Ang tanga mo kasi Char eh! Hindi mo muna inisip yung school rules bago ka nagpakulay... hayaku!
Anyway, naalala ko lang yung tawag sakin ni Quince: yung "Angel of Death" ba yun? Ayon sa kanya, kaya niya ako tinatawag na ganoon kasi daw...
"Napaka-cute ng mukha mo: maputi, mukhang manika at akala mo ay bata dahil sa twin-tails sa buhok mo pero kabaliktaran nito ang ugali mo: matapang, walang kinakatakutan, sadista pagdating kay Red pero may mga good qualities ka rin naman: yung pagiging upbeat, positive at early bird mo sa club"
Medyo masakit yung monologue niyang iyon pero wala akong magagawa kasi iyon ang nakikita niya sa'kin. Pero at least, di ko na siya kinakarate chop kasi si Red na yung sumasalo.
Anyway, isa pang problema dito sa detention ay yung katabi ko: walang iba kundi si Lee Edward Ocampo, yung narcistic na parating kinukutsya si Quince.
"Akala ko ba good girl ka? Bakit ka nandito?" pang-asar na tanong ni Leo
"Akala ko ba pretty boy ka? Bakit ka rin nandito?" tanong ko
"Aba! Pilosopo ka rin ah"
"Eh pilosopo ka rin eh, narcistic pa"
"Wow! Ako pa ang narcistic ngayon? Sa gwapo kong ito ay narcistic ako?"
"Wala akong piso, sorry"
"Hoy ikaw babaeng may lumot sa buhok! Baka di mo kilala kung sino ang kausap mo?"
"Bakit? Uulitin mo nanamang sabihin na 'Ako si Lee Edward Ocampo, ang pinaka-gwapong nilalang sa balat ng lupa'?"
"Sumusobra ka na ah, kung hindi lang ako nandito baka nasapak na kita"
"Eh di kung hindi ka nandito, hindi mo ako masasapak kasi wala ka dito eh"
Nagpigil si Leo at tumahimik na lang sa upuan niya, yes! Napatahimik ko rin siya!
"Kumusta yung ano mo" tanong ko
"Ayos lang... umiyak lang naman ako magdamag pero hindi masakit"
"Ah... ganun ba? Nakikiramay ako"
"Hindi pa ako baog! Puta naman oh! Nakakaasar ka na!"
"OCAMPO! Nasa detention ka na nga nag-mumura ka pa rin?" sigaw nung facilitator sa loob
"P-Pasensya na" sagot niya
Tumawa lang ako ng mahina...
"Aba, tinatawanan mo pa ako ah"
"Pwede ka na palang clown eh o di kaya comedian"
"Wala ang mga iyan sa plano ko! Wag ka na ngang makipagusap sakin babaeng 'Wa'y puti-puti'[1]!"
"Bisaya ka pala? At isa pa Charlotte ang pangalan ko!"
"Charlotte? Parang prinsesa lang ang dating ah"
Medyo nag-blush ako dun sa sinabi niya, nagkataon lang naman na kapangalan ko yung bagong anak nila Prince Charles. Teka! Bakit ba ako nag-ba-blush? Kyaah! Hindi pede to! Nagkakagusto na ba ako sa kanya?!?
"Oh, tumahimik ka?" tanong ni Leo
"Ah... w-wala, t-tapusin mo na lang iyang letter mo"
Ano ba yan nakakaasar! Nawala yung pagka-cool ko! Charlotte naman eh! Oo gwapo siya kaso ang pangit ng ugali niya! Aanuhin mo pa ang kagwapuhan kung tarantado naman? Tsaka pinuri lang naman niya yung pangalan mo, anong nakakakilig doon? Tsaka isa pa may girlfriend na siya kaya imposibleng maging kayo! Charlotte naman! Bakit iniisip mo na agad na magiging kayo? Ano ba to?!? Hindi ko na maintindihan ang sarili ko! Palabasin niyo na ako dito at paalisin niyo na ako sa tabi niya! Baka mamaya mabaliw na ako dito!!!
NOTES:
1 – reference ito ng catchphrase ng Bisayang commercial ng Sunfresh Kalamansi. Dahil green yung buhok ni Char katulad ng kulay ng kalamansi na dishwashing liquid.
BINABASA MO ANG
Mr. Nerd meets Ms. Cosplayer
Novela JuvenilQuince Valmorida, isang otaku nerd and slight negative ang outlook sa buhay... Miyaka Satou, isang cosplayer na animo'y anghel ang kabaitan... Posible ba ang pag-ibig sa dalawang napakalayo ng pagitan sa social hierarchy? Samahan sila kasama ang iba...