CHAPTER 5: And she's in the same school as mine!

43 1 0
                                    

Kinabukasan ay back to normal ulit ako sa room, incognito pa rin ako at wala pa ring pumapansin o kumakausap sa'kin. Hangin na kung hangin, I get your point! Kung mag-drop kaya ako sa school na ito ay hindi rin sila magugulat no?

Anyway, may naririnig akong usap-usapan na may transferee daw galing Japan ang papasok sa klase namin. Weird dahil second week pa lang ng school so I'm sure na hindi siya transferee kundi enrolee, mga tao talaga ngayon ay kelangan nang magbasa ng dictionary. Nagulat ako nang mala-tsunami na dumumog yung mga kaklase ko sa bintana ng room namin kung saan kita ang hallway, nandyan na siguro yung Japanese transferee sa harap ng room. Pumasok yung professor namin at pinaupo yung mga kaklase ko habang ako naman na hindi umalis sa pwesto ko ay nagbabasa lang ng "Dracula" ng tahimik at malapit ko na rin matapos.

"Okay class! Alam ko na alam niyo nang lahat ang tungkol sa transferee kaya please ay maging mabuti kayo sa kanya"

Professor, kailangan niyo rin siguro magbasa ng dictionary minsan.

Pumasok na sa room ang isang babae, napaka-cute niya at halata mo pa lang sa kilos niya na Japanese siya. Nag-bow siya at nagpakilala...

"Minna-san, ohayou! That means 'Good Morning Everyone!', my name is Miyaka Satou but all of you can call me Mika. I hope we could be good friends!" bati niya

Miyaka Satou?!? Di ba siya yung cosplayer?!? Nagpalak-pakan yung mga kaklase ko kahit alam ko na hindi nila naintindihan yung sinabi niya, college na kayo guys!  

Anyway ay pinaupo siya ng Professor namin sa bakanteng upuan sa tabi ko, wow! Nag-eexist pala ako sa mata ni Professor! Pag-upo ni Mika ay napatingin siya sa'kin at nanlaki ang mga mata niya...

 "Kuinsu-san! I can't believe that you also go to this school!" sabi niya na may happiness sa tono

Kilala pa'rin pala niya ako sa mukha! Wow! Parang naririnig ko sa background yung "Destiny" ni Lyn na theme song ng "You Who Came From The Stars"...

 "M-Miyaka!!!" sabi ko

"I told you, you can call me Mika"

Bigla akong nakaramdam ng chalk na tumama sa ulo ko kahit alam ko na whiteboard ang ginagamit namin sa room...

"Mr. Valmorida! Mamaya ka na makipag-chikahan kay Ms. Satou pagkatapos ng lesson ko!"

Napakamot na lang ako ng ulo at tumahimik, narinig ko ang mahinang tawa ni Mika...

After nung klase ay nagkumpulan na sa upuan ni Mika yung mga kaklase ko and of course, dahil ayoko sa mga maiingay na lugar at mukhang hindi ko na makakausap si Mika ng kami lang ay dumiretso na ako sa Room 409 kung saan nandoon si Char at nagkakabit ng mga anime poster sa pader, legal ba yung ginagawa niya?

"Youkuzo![1]" bati ni Char sa'kin

Tumungo lang ako at pumasok sa loob, kumuha ng upuan mula sa mga nakatabi at nilagay sa may lamesa sa gitna ng room at umupo.

"So ano? Musta ang araw?" tanong ni Char na nagkakabit pa rin ng mga poster

"Si Mika, pumasok sa klase ko" sabi ko

"Mika? Sinong Mika?" tanong ni Char

"Yung nag-cosplay ng Aya Shameimaru kahapon, kaklase ko siya" sabi ko

Napatingin si Char sa'kin...

"Weh? Di nga?"

"Seryoso ako, nagulat nga ako at naalala pa niya ako"

Lumapit si Char sa kin at umupo din sa upuan...

"Wow, sinuswerte ka ngayon Quince ah, baka tinadhana talaga na maging kayo" asar ni Char

Mr. Nerd meets Ms. CosplayerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon