Ngayong Monday ang start ng review para sa Prelim Exams naming sa Thursday at Friday kaya suspended nitong week lahat ng club activities kaya hindi muna kami magkikita-kita ngayon ng Lucky Charm, after na lang siguro ng exams.
Like any other day ay nagbabasa lang ako ng book habang naghihintay na dumating yung professor namin, today's book is: "The Three Musketeers" ni Alexandre Dumas. Pero instead na mag-basa ako ngayon ay na-distract ako sa isang cute na nilalang na nakapatong ang mga braso't ulo sa lamesa ko sabay bati ng...
"Good Morning Kuya Quince~!" cute niyang bati
Yep, siya si Adrianne Centeno: hindi pa rin ma-process ng utak ko kung babae siya o lalaki pero kahit na ganun ay hindi ko pa rin maipapagkaila na napaka-cute niya...
"Morning" bati ko
"Ano poi yang binabasa niyo po"
"The Three Musketeers"
"Ah! Diba sila Mickey, Donald tsaka si Goofy po yon?"
"Three Mouseketeers sila, ito yung original: sina Athos, Porthos, Aramis at D'artagnan"
"Teka, apat na pangalan po yung nabanggit niyo, diba po tatlo lang po sila?"
"Ang bida kasi sa Three Musketeers ay si D'artagnan, hindi siya kasama sa bilang ng Three Musketeers"
"Ah... ang talino niyo po talaga Kuya Quince! Pwede niyo po ba akong turuan para sa prelims kasi baka po sa inyo ko lang po maintindihan lahat ng lessons"
"Hindi porket naka-salamin ako at nerd ako ay matalino ako"
"Kasi, mukhang hindi naman po kayo nag-eefort na mag-aral pero na-peperfect niyo yung mga quizzes natin"
"Papuri ba iyan o insulto?"
"Sige na po Kuya Quince, bayaran po kita, magkano po ba kada oras? Turuan niyo lang po ako, kahit konti" sabi niya habang hinihila yung braso ko
"O sige na, tuturuan na kita pero hindi lahat, dapat mag-effort ka rin na makapasa sa prelims" sabi ko
"Salamat po Kuya Quince!" pasalamat niya sabay yakap sa braso ko na parang kuting
Napansin ko na Quince ang tawag sa'kin ng karamihan dahil sayang nga naman yung laway kapag banggitin mo yung Harlequin. Ayon sa mga naririnig ko ay close ka sa isang tao kapag iba yung tawag mo sa kanya, paano kung natripan ko lang na iba ang itawag sa kanya?
"Rianne!"
Nagulat si Adrianne, lumingon siya sa kaliwa then sa kanan then napaturo siya sa sarili niya...
"Ako po ba yung tinatawag niyo?"
"Ah sensya na, akala ko nickname mo yon eh"
Then napansin ko na nag-tubig yung mga mata niya, patay ka Quince! Pina-iyak mo!
"Kuya Quince! Alam niyo po bang kayo lang po yung tumawag sa'kin ng ganyan po at ang cute po!!!" sabi niya
Eh? So umiyak siya dahil doon?
"Pwede niyo po bang banggitin ulit?"
"R-Rianne?"
"Rianne~ Rianne~" paulit-ulit niyang banggit
"Akala ko ay nagalit ka sakin"
"Hindi po ah! Pwede po bang iyon na lang ang itawag niyo sakin?"
"O sige, bakit hindi?"
"So pwede ko po ba kayong tawaging Harley?"
"Hindi ka nanay ko para tawagin akong ganyan" sabi ko tapos bumalik ako sa pagbabasa
BINABASA MO ANG
Mr. Nerd meets Ms. Cosplayer
Roman pour AdolescentsQuince Valmorida, isang otaku nerd and slight negative ang outlook sa buhay... Miyaka Satou, isang cosplayer na animo'y anghel ang kabaitan... Posible ba ang pag-ibig sa dalawang napakalayo ng pagitan sa social hierarchy? Samahan sila kasama ang iba...